NAALIPUNGATAN si Denise nang maramdamang may mainit na palad na humahaplos sakanya. Napaungol siya. Pataas ng pataas iyon hanggang sa dumako iyon sa kahabaan ng binti niya at tumigil sa pang-upo niya at pagigil na pinisil iyon. Awtomatikong naidilat na niya ang mata sa gulat. Natunghayan niya si Jayden na nakatitig ng mariin sakanya sa dulo ng kama at malalim na tinititigan siya.. Pinagpatuloy nito ang ginagawa at unti unti na siyang nadadarang, nanghihina at natutupok sa apoy na sinisimulan ng asawa. Napatitig ito ng matagal sa labi niya at hindi kinalaunan ay mariin siya nitong hinagkan. Halos kapusin siya ng hininga dahil sa mainit na halik na kanilang pinagsasaluhan. Tila napansin nito na hirap na siyang makasagap ng oksihena, kaya saglit nitong pinakawalan ang labi niya. Wala sa sar

