MATAPOS ang insidenteng nagkasagutan sila ni Jayden ay hindi na niya ito pinansin. Palibhasa hindi naman nito nararamdaman ang nararamdaman niya. Hindi naman ito ang nakakaramdam ng paghihinagpis niya, kailanman walang taong makakaintindi sa nararamdaman niya dahil wala ito sa sariling katayuan niya. Hindi nito alam kung paanong lumaki sa isang Ama na walang pagmamahal sa sariling anak. Hindi nito alam ang lungkot na dinadanas niya tuwing hindi niya nararamdaman na mahalaga siya sa Ama. Ano nga bang aasahan niya? Wala namang tao ang nakakaintindi sakanya. Neither Sandra. No one can understand her dahil wala ito sa posisyon niya. Hindi niya napigilan na mapaluha nang maalala ang dating kasintahan. Wala naman siyang natatandaang nagawang kasalanan dito o pagkukulang. Infact, halos lahat ng

