HALOS matumba siya sa pagkakatayo. Nanginginig ang mga tuhod at tila nanuyo ang lalamunan niya. Kung hindi lamang siya siniko ng Ama, hindi siya matatauhan. "Denise..." may pagbabanta sa tono ng Ama. Napaubo naman siya, sa nanginginig na kamay inabot niya ang pakikipagkamay nito. "P-please to meet y-you too," her voice cracked Umangat ang dulo ng labi nito. Bumalik ang tingin nito sa Ama niya, "Hindi niyo sinabi na maganda pala ang unica hija ninyo, Tito," hindi niya maarok ang tono ng boses nito. Mukhang nasiyahan naman ang huli, "I'm glad na nagandahan ka sa aking anak, hijo. Kanino pa ba magmamana? Edi saakin," her Dad chuckled. "O paano ba 'yan? Maiwan ko muna kayo rito. Para magkaroon kayo ng time makilala ang isa't isa." nakangising sabi ng Ama Lihim siyang napamura. Huh! Kung al

