Chapter 9

1906 Words
MATAMANG nakatitig si Ysay kay Miguel habang umoorder ito ng pagkain nila sa counter sa fast-food restaurant na iyon na parte rin ng mismong Supermarket. Doon sila bumagsak pagkatapos nilang mamili. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga pasulyap na tingin ng mga taong nakakasalubong nila kanina pa hanggang sa makapasok sila sa kainang iyon hanggang sa nasa counter na ito at umoorder. Partirkular na sa binata. Papaano ba namang hindi? Para itong naligaw na modelo s***h artista s***h Greek God sa lugar na iyon. Simple lamang ang suot nitong light blue shirt at jeans pero kung makahatak ito ng atensiyon ay nakakapagpayanig ng lugar. Tindig palang nito ay may sinasabi niya. Tuloy ay napaisip siya kung ano ang katayuan nito sa buhay. Hindi na siya magdududa kung kagaya ito ni Tristan na mayaman din. Base sa pagkakaalam niya ay galing sa mayamang angkan si Tristan at magpinsan ang mga ito. Ibig sabihin ay mayaman din si Miguel. Sa anyo palang nito at kilos ay wala na iyong kuwestiyon. Mabuti kung marunog itong kumain sa isang fastfood na kagaya ng kinaroroonan nila ngayon. Nagulat pa siya ng ito ang magboluntaryong umorder ng kanilang pagkain. Perfect gentleman, indeed! Habang umoorder ito ay nakatitig lang siya dito. Para pa nga siyang nangangarap ng gising dahil isang katulad nito ang kasama niya ng mga sandaling iyon. Saka sumagi sa isip niya ang panata niya sa sarili na hinding-hindi na siya makikipaglapit sa kahit kaninong lalaki. Anong magagawa niya kung ito ang nagyaya? Tatanggi pa ba siya kung ganitong klaseng kaguwapuhan ang makakasama niya? Iba ang sinasabi ng isip niya pero hindi nakikisama ang katawan at bibig niya. The more na sinasabi niya sa sariling huwag siyang makipaglapit dito ay siya ring pagkakanulo ng bibig at katawan niya. Ah, babae lang naman siyang maaring humanga sa isang lalaking kagaya nito. Hindi dapat siya mag-panic dahil doon. Babae pa rin siya kahit na namanata na siyang magiging matandang dalaga habang buhay. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng mapansin ang babaeng server na umaasiste sa binata. Todo ngiti ang babae na masasabing may itsura rin naman. Halatang-halata sa itsura nitong kinikilig sa binata. O diba? Kahit sinong babae basta makaharap ng lalaking iyan ay natural lang na kikiligin. At normal kang babae Ysay. Matapos itong umorder ay bitbit na nito ang tray dala ang pagkain nila. Hindi niya inalis ang tingin dito hanggang sa makalapit sa kanya. Pinukulan siya nito ng tingin. Hindi siya aware na nagkikipagtitigan siya dito. Grabe! Sobrang guwapo niya! naghuhumiyaw sa isip niya. Para itong isang bidang lalake sa mga nobelang binabasa niya noong highschool at college days niya. ‘Yung mga lalaking hindi nag-eexist sa real life kung i-describe ng mga writers. Ngayon lang talaga niya nalaman na totoo pala ang mga ganitong klaseng lalaki. Nakakakita rin naman siya ng mga guwapong lalaki at ilan sa mga iyon ay nanligaw din sa kanya. Pero ibang klase si Miguel. To the highest level ang kaguwapuhan nito. Yummy ikanga ng iba. “Baka matunaw na ako niyan.” Anang binata pagkaupong-pagkaupo. Napakasuwabe ng boses nito. Pati boses ay ang guwapo-guwapo rin. “Ang guwapo mo talaga…” nanulas sa bibig niya ng hindi namamalayan. Nag-spark pa ang mga mata niya na tila nangangarap. Namilyo ang ngiti ng binata. “Talaga? Kung guwapo ako sa paningin mo, bakit bigla ka nalang nawala six months ago?” Tila siya natauhan sa naging tanong nito. Gusto niyang tampalin ang bibig dahil sa katabilan. “Er… nagugutom na ako. Kain na tayo.” Pag-iiba niya sa usapan. Bahagya siyang nagyuko ng ulo ng matanto ang naging asta. Awtomatiko ang pamumula ng mukha niya. Minsan talaga ay walang kontrol ang isip niya sa sariling bibig at katawan. Iiling-iling pero nangingiting inayos nang binata ang pagkain nila. Hinayaan niya ito at pinanood ang galaw ng binata. Ang sweet niya… para kaming mag-jowa sa itsura namin sa totoo lang… Patingin-tingin lang siya dito hanggang sa magsimula silang kumain. Kahit gusto niyang makipagkuwentuhan ay pinipigilan niya ang sarili. Baka kung ano nanaman ang masabi niya. Ito ang hindi nakatiis sa katahimikan niya. “May iba ka pa bang pupuntahan pagkatapos natin dito?” tanong nito ng kumakain na sila. Umiling siya. Dahan-dahan lang ang kilos at pagsubo niya. Conscious na conscious siya habang kumakain. Samantalang ito ay tila balewala kung sumubo. Relax na relax pa nga ang itsura nito. “Wala na. Uuwi na din ako.” “I see. Sabay na rin tayo. Ihahatid na kita sa inyo.” Sa tono nito ay mukhang hindi siya puwedeng tumanggi. Hindi! Hindi mo ako puwedeng ihatid! “Marunong kang kumain sa ganitong lugar?” sa halip ay tanong niya. Nagsalubong ang kilay nito pero napangiti. “Of course! Bakit naman hindi?” Nagkibit-balikat siya. “Ang alam ko mayaman ang angkan niyo nila Tristan. So, baka kako hindi ka sanay kumain sa mga ganitong lugar.” Tumigil ang binata sa pagkain at hinarap siya. “What do you think of me? I’m also a human. C’mon! Walang masama sa mga ganitong klaseng pagkain. You know, hindi ko ma-eenjoy ang buhay ko kung hindi ko matitikman o masusubukan ang mga ganitong pagkain. O pumunta sa ganitong lugar.” “Tama ka diyan.” Sumegunda siya. Ipinagpatuloy din niya ang pagkain. “Actually, hindi ko rin maintidihan ang thought na kapag mayaman ka ay hindi ka na puwedeng kumain sa mga ganitong klaseng kainan. The food is delicious by the way.” Komento pa nito. “Siguro ay dahil nasa isip din ng ibang tao na kapag mayaman ka, puro sa pangmayayaman lang din na lugar ang kakainan mo.” “Nah! I don’t believe in that. Walang mahirap o mayaman pagdating sa pagkain. Lahat ng tao kumakain.” “Agree. Mayroon naman kapag mahirap ka sa mahirap na kainan ka lang din kakain. Diba, hindi naman tama iyon?” Sa tinatakbo ng kanilang usapan ay nadaragdagan nanaman ang paghanga niya sa binata. Miguel is different compare to other men out there. May puso ito para sa kahit na kaninong tao at malawak ang isip at pang-unawa nito. Hindi kagaya ng ibang lalake na puro pagpapaguwapo at pagpapayaman lang ang alam. “Yes. Anyone is entitled to eat wherever they want to eat.” Segunda ng binata sa kanya. Hindi na niya napigilang mapangiti. Nagsisimula na siyang maging kumportable kasama ang binata. Tigilan mo na ito Ysay. Hindi magandang nakikipag-usap sa kanya. Baka mahulog ka lang at hindi ka niyan sasaluhin.! Tuumikhim siya bago muling nagsalita. “Hanggang kailan ka pala dito?” sa halip ay tanong niya. “A week maybe. Maraming sinabi sa akin na puwede kong pasyalan dito. And since nandito na rin naman ako. Gusto kong puntahan ‘yung mga tourist spot na sinasabi nila rito sa inyo. Samahan mo ako ha.” Anito sa pagitan ng pagsubo. Feeling close na ang loko! Nasamid siya. Muli ay humiling ito na hindi niya puwedeng pagbigyan. Tumikhim ulit siya bago nagsalita. “Busy ako eh.” “Cami said, may sarili kang negosyo. Puwede naman sigurong mag-leave ang may-ari ng ilang araw?” anitong hindi siya nilulubayan ng tingin. Iniwas niya ang tingin dito. “Hindi ko sure eh. Madaming kliyente ngayon at kailangan ng personal kong pakikipag-usap sa mga ‘yun.” “I see. I know the feeling.” Anitong nalungkot ang tinig. Kinati ang dila niyang magtanong tungkol sa kung ano ang trabaho nito. Bigla niyang naitanong sa sarili kung may nobya na ba ito na sa huli ay hindi niya napigilang isatinig. “Bakit pala hindi mo kasama ang girlfriend mo sa pagpunta dito?” gusto niyang bawiin ang tanong pero interesado siya. Tumigil ito sa pagkain. “Wala akong girlfriend. Wala rin akong asawa.” Diretsong sagot nito. Pinigilan niya ang ngumiti ng maluwang. Kung bakit ay parang gusto niyang magsirko ng mga sandaling iyon. “Ah… Ganon ba? S-sige.. kung hindi naman ako masyadong abala ay sasamahan kita.” biglang kambiyo niya. Gusto niyang batukan ang sarili dahil kadali niyang bumigay. Nagliwanag ang mukha nito. “Really? You promise that?” “O-oo… pag hindi lang ako busy ha. Pero kapag marami akong ginagawa, sorry, pero solo flight kang mamasyal.” As if naman hahayaan niya talagang mamasyal itong mag-isa e nakapagdesisyon na siyang bigla na siya ang magiging tour guide nito sa kanilang lugar. “That will work.” Nanumbalik ang sigla nito kanina. Nakakainis ka Miguel! Paasa ka! Pinapaasa mo ako! Dinadaan mo ako sa mga pa-cute mo. Tapos ngayon nalaman ko pang wala kang girlfriend. Anong gagawin mo kung bigla akong magtapat sa’yong nagugustuhan kita?! Natigilan siya. Hindi dapat iyon ang iniisip niya. Oo at madali niya itong magustuhan. Hindi ito mahirap magustuhan sa totoo lang. At kahit sinong babae ay mangangarag na mapansin nito at makasama kagaya ng sa kanya ngayon. Pero ibang babae iyon. Hindi siya. Hindi niya ito maaring magustuhan. Hindi puwede. Hindi ito ang sisira ng panata niya sa sarili. No! “Are you okay?” puna sa kanya ni Miguel ng mapansing natulala siya. “O-oo naman…” Nagpatuloy na sila sa pagkain habang nagpapalitan ng kuwento. At kagaya nang una nilang pagsasalo sa bar ay kung saan-saan lang napunta ang kuwentuhan nila. Hanggang sa ihatid na siya ng binata sa bahay nila. Alam niyang wala nang dahilan para itago niya ang totoong identity dito at kung saan siya nakatira. Nang nasa tapat na sila ng malaki at bungalow nilang bahay ay nagpaalam na siya dito. Pero pinigilan siya nito. Kinuha nito ang cellphone number niya na atubili pa niyang ibinigay. “May lakad ka ba bukas?” tanong nito ng maibigay niya ang sariling numero. “Sa farm ang punta ko bukas. Isang flower farm ang minama-nage ko.” “Can I come?” Hindi! “H-ha? A-ano naman ang gagawin mo doon? W-wala ka namang gagawin doon.” “I wanna see your farm. Nabanggit sa akin nila Tristan na ang mga bulaklak sa kasal nila ay galing daw sa farm mo. At magaganda ang mga iyon. I can refer your flowers sa mga kakilala ko kung isasama mo ako sa farm mo.” Why not! Pero hindi pa rin puwede. Tama na na nakasama niya ito sa araw na iyon na hindi niya plinano. Pero malaking bagay ang sinabi nitong pag-aalok sa mga kakilala nito ang farm niya. Mas malaki ang kita kapag nagkataon. And business is business. Hindi dapat niya iyon palampasin. “C’mon Ysay. Kung hindi ka papayag ay lalo kong iisipin na iniiwasan mo talaga ako na hindi ko pa rin maintindihan kung bakit.” Gusto niyang isinghal dito na sino ang hindi iiwas kung siya e kababaeng tao ay halos ialay na sa lalaking ito ang sarili tapos magkikita sila ngayon na parang walang nangyari? “Hindi nga kita iniiwasan. Oo na. Sige. Isasama na kita. Magkita tayo sa ---.” “Susunduin kita dito. Anong oras?” “Hindi mo ako kailangang sunduin ---.” “Eight in the morning. Would that be fine?” Putol nito sa mga sasabihin pa niya. “Masyadong maaga ---.” “Okay nine in the morning.” Muling putol nito. Hindi na siya nakapagsalita dahil mabilis na itong umalis sa harap niya at sumakay sa kotse nito. Kumaway ito sa kanya bago tuluyang umalis. Nahabol nalang niya ng tingin ang papalayong sasakyan. Humanda ka na Ysabella. Magsisimula na ang mga bangungot sa buhay mo. Kinabahan siya para sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD