Chapter 7

2102 Words
PALAKAD-LAKAD si Ysay sa loob ng maliit na CR. Hindi siya kaagad nakalabas dahil alam niyang nasa paligid lamang si Miguel. Sa dinami-rami ng araw na magku-krus ulit ang landas nila ay bakit ngayong araw pa? At bakit ba kasi nag-krus pa ulit ang landas nila? Puwede namang hindi na eh. Puwede namang iba nalang ang naging pinsan nito at hindi si Tristan diba? Pero bakit ganito ang nangyayari? E teka nga. Bakit ba nagiging apektado siya? E ano kung mag-krus ulit ang landas nila ng binata? Big deal ba? Hindi naman diba? Pero isang bahagi niya ang nagsasabing big deal iyon dahil nakakahiya ang pinaggagawa niya ng gabing dinala siya nito sa penthouse. Lasing siya, oo. Pero natatandaan niya ang ginawa niya pati ang tangkang paghalik niya rito dahil mukhang wala naman itong balak halikan siya. Siya na nga ang gumawa ng first move at sobrang kinapalan na rin niya ang mukha – kahit pa nangangapal na talaga ang mukha niya sa tama ng alak na nainom - para akitin ito pero mukhang wapak ang epek niya sa binata. Mukhang hindi talaga siya marunong mang-akit ng isang lalaki dahil hindi tumalab ang karisma niya sa binata. O maaring hindi talaga ito pumapatol sa mga kagaya niyang hindi kasali sa circle of life style nito sabi nga nila. Nang magising siya kinaumagahan at namulatan niyang nasa isang estrangherong lugar siya ay saglit pa siyang nagpanic. Hanggang sa unti-unti bumalik sa kanyang diwa ang mga kagagahang pinaggagawa ng gabing makilala niya si Miguel. Dahil wala na ang tama ng alak sa sistema niya ay inatake siya ng matinding kahihiyan. Gustong-gusto niyang ibaon ang sarili sa lupa o magkulong sa loob ng baul para lang magtago kay Miguel. Kaya bago pa magising ang binata na nakita niyang nakatulog sa mahabang sofa sa sala ng tinutuluyan nito ay tumalilis na siya. Talagang hindi rin tumabi sa kanya ang binata. Kung ibang lalaki lang siguro ang ‘nadagit’ niya ng gabing iyon ay baka wala na ang iniingatan niyang pagka-birhen. Baka may mga memories na siya ngayon na itinatago para sa sarili lamang. Pero dahil sa isang Miguel ang nakadaupang-palad niya ay mukhang tatanda talaga siyang isang birhen. Ouch pero hindi ouch. Sorry pero hindi sorry. Baka gusto ng nasa Itaas na manatili siyang buo habang buhay. Mabuti na nga lang at hindi naka-lock ang main door ng penthouse nito kaya madali siyang nakalabas ng bahay. Pero naging problema niya ang gate na hindi niya mabuksan dahil automatic pala iyon. Kaya no choice siya noon. Inakyat niya ang may kataasan ding gate at doon siya nagpapasalamat dahil healthy ang katawan niya at sanay sa mga gymnastic moves kaya madali siyang nakaakyat sa pader. Presto, nakaalis siya sa tirahan ng binata. Bitbit ang mga nakakalokang alaala. At ilang araw pagkatapos ng gabing iyon ay saka siya tila natauhan sa isang nakakalokang pagtulog. Tawa pa siya ng tawa na parang sira-ulo kapag naaalala ang mga nangyari. At mahigpit niyang itinatago ang insidenteng iyon para sa sarili lamang. Hindi niya alam kung magpapasalamat siya kay Miguel dahil intact pa rin ang virginity niya pero hindi rin niya alam kung maawa o ano sa sarili dahil hindi na niya mararanasan ‘iyon’. Ilang araw ding hindi nawala sa isip niya si Miguel subalit paulit-ulit niyang sinabi sa sariling hindi na niya ito dapat pang isipin. Baka nga hindi na siya nito natatandaan o hindi na siya nito hinanap pa right after na mawala siya. Isa lang ang pinananalangin niya, huwag ng mag-krus pa ang landas nila dahil talagang gugustuhin na niyang magpalamon sa lupa. That night was the most courageous ‘incident’ that she ever did and the most embarrassing yet unforgettable moment that has ever happened in her entire life! Ayaw na niyang maalala pa ang nangyari but the fact that she met Miguel being Miguel is a ‘sweet’ thing, indeed. Iyon nalang ang konsuwelo niya. Okay na siya doon. Natigil siya sa paglalakad ng bumukas ang pinto ng CR. Nagulat pa siya ng may sumulpot doon. Napa-praning na siya dahil iniisip niyang si Miguel iyon kahit na hiwalay naman ang CR ng babae sa lalaki. Luka-luka ka Ysay! Lumabas ka na riyan. Huwag mo nalang siyang pansinin o umiwas ka nalang sa kanya. O kaya umuwi ka nalang, mas mabuti pa! Pero hindi pa siya puwedeng umuwi. Siguradong magtataka ang mga kamag-anak niya. At tsaka bakit ba iniisip niyang kakausapin pa siya ni Miguel. Sino ba siya? Baka nga busy na ito sa pakikipaghuntahan sa ibang mga bisita. Baka siya lang naman ang nag-iisip na inaabangan siya ng binata. Ah basta! Iiwas nalang siya sa kung nasaan ang binata. Tapos! ANG balak ni Ysay na pag-iwas kay Miguel ay hindi nangyari - siyempre. Nang yayain siya nitong sumayaw ay ora-orada siyang tumanggi. Mukhang hinihintay o inaabangan nga talaga siya ng binata dahil sinalubong pa siya nito pagbalik niya ng reception. Nagtumingayaw ang warning sign na DANGER sa kanyang utak. In capital letters! Pero wala siyang nagawa ng samahan siya nito sa mesa ng sabihin niyang wala siyang balak sumayaw. Nang simulan nitong makipagkuwentuhan sa kanya ay panay ang warning ng DANGER sign sa utak niya. Sasabog na ang red alert sa utak niya. Hindi naman niya magawang basta iwan nalang ito. Ayaw niyang magmukhang bastos at umiwas dito. Hindi nawawala ang ngiti nito sa labi habang nakikipag-usap sa kanya. Feeling niya ay nagpapacute pa nga ito. Shit! Heto nanaman po kami. Nginitian nanaman niya ako. Ang landi mo Miguel! Anang isip niya. Relax Ysay… huwag mong hayaang maloka ang sarili mo sa mga ngiti niya. It’s just smile. Nothing special with that. Oh c’mon! hindi ‘yan basta ngiti lang sa iyo. Kinikilig ka at iba ang kilig mo sa kanya. Mahuhulog ka! Parang baliw na nagde-debate ang magkabilang bahagi ng utak niya. Iwan mo na siya. Lumayo ka na bago pa mapunta kung saan ang mga ngitian ninyong ‘yan! Bilisan mo bago ka mahulog. Walang sasalo sa iyo! Huwag kang aalis! Ang guwapo-guwapo ng katabi mo oh, iiwan mo? Isa pa, bakit ka magpapa-apekto sa taong ‘yan eh wala ka na dapat pakialam kung kausapin ka man niyang guwapong lalaking ‘yan. Guwapo lang ‘yan. Hindi ka dapat kinikilig at lalong hindi ka dapat mukhang sira-ulo ngayon! Naipilig-pilig niya ang ulo dahil sa pagtatalo ng magkabilang bahagi ng isip niya. Para na nga siyang sira ulo ng mga sandaling iyon. “Are you alright?” bigla nitong tanong sa pagitan ng pagsasalita nito ng makitang ipinilig niya ang ulo. “O-Oo. B-Bakit?” Kinuha niya ang water goblet at tinungga ang laman niyong tubig. “You seem so tensed. Are you not feeling well?” tanong ulit nito at nagsalubong ang mga kilay. Nakasunod sa kilos niya ang tingin ng binata. Umayos na ka Ysay. Nahahalata na niyang nawawala ka sa sarili mo. Tumikhim siya at pilit kinalma ang sarili. “I-I’m fine.. Medyo pagod lang ako sa dami ng ginawa bago ang kasal.” Pagdadahilan nalang niya. Bukod kasi sa siya ang nag-ayos ng mga bulaklak ay isa rin siya sa mga abay. “Are you sure?” nasa mukha nito na hindi kumbinsido. “Yeah. I’m fine. What was your saying again?” sinalubong na niya ang tingin niya. “Oh!” bumalik ang sigla sa mukha nito. “The last time we met,  you didn’t tell your name dahil sinabi mong hindi na tayo magkikita. Pero sinabi mo rin na kapag nagkita tayo ay magiging open ka na sa akin. I guess, we have a second chance?” anitong nginisihan siya. Second chance mukha mo! Mabilis niyang ipinaling sa kabilang direksyon na hindi makikita ng kausap ang mukha. Naiikot niya ang mukha pagkatapos ay muling binalingan ang binata. “Ehehe.” Parang timang na ngumiti siya. “Oo nga eh. He.He.” gusto niyang batukan ang sarili. “So, ano ang totoo mong pangalan… Dy?” Umayos pa ito ng upo at mukhang simula na ng interogasyon. Wala na siyang mairarason para hindi sabihin dito ang pangalan. At kahit hindi niya sabihin ay maari nitong ipagtanong sa mga tao roon. Hindi man direkta pero magiging parte na ito ng pamilya dahil pinsan ito ni Tristan. “Ysay… iyan ang tawag ng lahat sa akin. At kung galit na sa akin ang papa ko ay Danielle Ysabella ang tinatawag niya. With capital Y sa second name.” mahabang pagpapakilala ng tunay niyang pangalan. “And that explains the DY. Ysabella is Y and not I.” anitong tumango-tango. “Nakuha mo.” “Well… Danielle Ysabella…it’s really nice knowing your real name Ysay.” Sabi nito. Itinaas nito ang isang kamay sa harap niya. Napatingin siya roon. Ibinalik niya ang tingin sa mukha nito at nginitian siya ng binata. Saka lang niya na-realized na nakikipag-hand shake pala ito. Mabilis niyang inabot ang naka-hang nitong kamay. Muntik pa siyang magbawi ng mapaiktad dahil sa mumunting kuryenteng dumaloy sa palad niya mula dito. “After six months, nalaman ko rin ang totoong pangalan mo. Ysay…” dugtong pa nito. Bakit may pakiramdam siyang nagustuhan niya ang paraan ng pagtawag nito sa kanyang pangalan? At tama ba ang narinig niya? Naalala pa talaga siya nito at ginustong malaman ang totoong pangalan niya? Pero pinili niyang huwag ng magtanong pa. No big deal, iyon ang sinabi niya sa sarili kahit may parte niya ang biglang na-curious at gustong magtanong. Nang sumunod na sandali ay nagkukwentuhan na sila habang abala ang paligid sa kanya-kanyang ginagawa. Marami itong naging tanong tungkol sa kanya na hindi niya nagawang sagutin noong unang beses na magkakilala sila pero nagawa na niyang sagutin ngayon. Hindi matapos-tapos ang mga tanong nito at tila wala pang balak tumigil kundi lang sa malakas na boses na host na biglang nagsalita sa harap. Nang i-anunsyo ng host na ihahagis na ang bouquet ay pinuna siya ni Miguel ng hindi siya tumayo kagaya ng mga babaeng nagsilapitan sa harap. Ilang beses siyang tinawag ng mga kaibigan at mga pinsan at pilit na pinapatayo subalit tigas ang pagtanggi niya. “Don’t you wanna join them?” palipat-lipat sa kanya at sa harap ang tingin ni Miguel. “Hindi na kailangan.” Matipid niyang sagot. Hindi nililingon ang binata. “Really?” mukha itong hindi makapaniwala. “Usually, girls were excited pagdating sa ganyang paksa ng kasalan, nag-uunahan silang makasalo ng bulaklak hoping na sila ang susunod na ikakasal, hindi ka interesado?” “Hindi. Hindi naman totoo ‘yan eh.” Mababang sagot niyang diretso pa rin ang tingin sa harap.  Pumalatak ito. “Ikaw lang yata ang babaeng nakilala kong hindi naniniwala sa ganyan. You’re really this something…” Saka lang siya sumulyap dito. “Ayan nanaman ‘yang something na ‘yan eh.” Nagkibit-balikat ito. Mukhang naghihintay ng paliwanag niya. Umayos siya ng upo at muling ibinalik ang tingin sa harap. “Paasa lang ‘yang mga ganyang kaugalian. Hindi totoo ‘yan.” Ibinalik niya ang tingin sa mga babaeng nakahilera para sumalo ng bulaklak na ihahagis ni Cami. Kasama si Tintin sa mga babaeng nakahilera na ilang beses siyang kinawayan para lumapit. Hindi pa niya naipapakilala ang dalawa dahil abala rin ang kapatid niya sa pag-eestima sa ibang bisita. “Alam mo kasi, hindi totoo ‘yang mga ganyan. Paasa lang ‘yan sa mga babaeng umaasa naman. Ewan ko ba kung bakit ang daming naniniwala sa mga ganyan. E hindi naman effective ‘yang kapag ikaw ang nakasalo ng bulaklak e ikaw ang susunod.” Aniyang umasim ang mukha sa mga sinabi. “Bakit mo naman nasabi ‘yan?” mukhang nawala na ang atensiyon ng binata sa harap at naging all ears na ito sa kanya. Nagkibit-balikat siya. “Ilang beses na akong nakasalo pero heto, single pa rin ako hanggang ngayon. Nauna pang ikasal ‘yung mga babaeng hindi nakasalo.” She didn’t aware that she sounded bitterly. “Single and available?” nasa mukha na ni Miguel ang kyuryosidad. “Hindi. Single lang.” Muli niya itong pinukulan ng tingin. “Single and happy pala.” Natahimik si Miguel. Tila nag-isip habang matamang nakatitig sa kanya. “What?” untag niya ng hindi ito magsalita. “I have this feeling na hindi mo sasabihin ang rason kung bakit.” “Kung bakit ano?” “Kung bakit single ka lang. Not available.” “Oo, hindi ko sasabihin sa iyo. Hindi pa tayo close ano.” Iningusan niya ito. “We’ll see about that.” naroon ang paninigurado sa tono ng binata. Nagkatitigan sila ng binata pero siya ang unang nagbawi ng tingin. Pinili niyang huwag ng magkomento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD