Coron is a paradise to behold. Ang ganda ng bawat nakikita niya sa paligid at nag-aanyaya na kaagad ang dagat para magtampisaw. Sa isang resort sila tumuloy ni Claudette. Isang villa ang pansamantala nilang titirhan sa loob ng ilang araw. Tig-iisa silang silid ni Claudette. “So, what do you want to do first?” “I wanna drink and find a man.” Napalunok siya sa sinabi ng kaibigan. She sat on the couch and pensively looked at her. Clau was determined. Noong kabataan nila, nagbibilang ng mga lalaki si Clau, pero kay Joseph lang ito tumino. Kung tutuusin, pareho sila ng estado sa buhay. “Pwede naman tayong manatili dito sa resort. We can have plenty of fun things to do here.” Ang gusto niya lang namang sabihin, huwag nitong gawin ang nasa isip, hindi pa niya magawa. Para na rin kasing sari

