The new morning brought new hope. Last night, she made a decision. It’s now up to her how to fulfill that promise to herself and to Francis. She headed outside with a new hope in her heart. Sigurado na siya sa hakbang na gagawin. Hahanapin niya lang ang tapang na aminin kay Francis ang totoo. Lahat-lahat. Maybe, they needed to sort everything in their marriage. Kasama nilang pag-uusapan si Elizabeth. Kasi sa nakikita niyang mga kilos ng asawa, unti-unting nararamdaman ng puso niya ang halaga na hinahanap niya rito sa matagal na panahon. Higit sa lahat, pinagdududahan na niya ang hinala na nagloko nga ang asawa niya. “Ano ba ang tinititigan mo sa langit?” Nabulahaw ang malalim na pag-iisip niya nang marinig ang boses ni Francis. Mula sa pagtitig sa payapang langit, nilingon niya ang asaw

