Monday morning arrived, bringing with it a mixture of emotions in her heart. Muli siyang pumasok sa trabaho. She missed her work, even her desk. Kahit ang mga tauhan na halata namang ang iba ay lihim na bumubulong ng masasama tungkol sa kanya. Si Francis naman ay pumasok na rin. Caregiver na lang ang naiwan at nag-aalaga kay Noah. Naka-crutches naman na ito. Usapan nila ni Francis na pareho silang uuwi sa bahay para sa pananghalian. They needed to spend more time with their son. Ganoon nang ganoon ang set up nila sa loob ng ilang araw na nakalipas. Naging subsuban siya sa meeting at trabaho. May kailangan siyang patunayan. Pagdating ng huwebes, binisita ni Mama Constancia ang branch na hawak niya. She cordially talked to the bank employees and the clients as well. Tinanong nito kung oka

