BOOK 1(TOI 8)

2283 Words
“Kristina, Luis, take care of Bettina for us, okay?” Hindi magkamayaw ang mama niya sa pagpapaalala sa mga pinsan niya. Kulang na lang na pasamahan sila ng bodyguards. Mamamasyal lang naman silang magpipinsan. Ililibot daw ng mga ito si Francis. Hindi ito nakahindi kagabi nang kulitin ng Kuya Luis at iba pang mga pinsan. “Wen, Auntie.” “Siguraduhin mo, Luis. Ikaw ang pinakamatanda sa inyong lahat,” may pagbabantang turan ng mommy niya sa pinsan. “Aray naman sa matanda.” Umaktong naiinsulto ang pinsan. Twenty-six lang ang Kuya Luis, halos magkaedad ito at si Francis. Kaya siguro madaling nag-click nang magkausap kagabi. “Para namang ang layo ng Paoay at Laoag.” “I trust you pero minsan pasaway rin kayo, lalo na itong sina Kristina.” Dumako ang paningin ng mommy niya sa mga pinsang babae na nasa loob na ng land rover. “No argument needed, Auntie. Pasaway talaga isang ‘yan.” Umangil si Kristina na narinig pala ang usapan. Sumilip ito sa bintana ng sasakyan. “Nagsingpit ni ading mo, Manong.” “Kristina, tagalog naman, nakakahiya kay Francis.” Natawa ang kuya niya. Ibinaba ang hood ng sasakyan at tinapik siya sa pisngi. “Mas mabuti nang matuto siya ng dialect natin.” Kumindat ang Kuya Luis at sumakay na nga sa land rover. May laman na naman ang kindat nito.“ HInarap nito ang mama niya. “Don’t worry, Auntie, hindi namin lalasingin, prinsesa mo. Isa pa, andito naman si Francis. He will look after Bettina the way he always does.” “Mama naman, nakaya ko ngang mag-isa sa Manila.” Baka isipin ni Francis, sobrang baby niya. “Don’t worry, Tita. I will look after her.” Saka pa lang napanatag ang loob ng mommy niya. Kung wala lang sigurong importanteng lakad ang mama at papa, baka sumama na silang buong pamilya. Mabuti na lang at tutulak ang mga ito patungong Adams, doon sa mother’s side ng mommy niya. She would have the best time of her life with Francis. Kanya-kanya na silang sakay ng sasakyan. Sa mismong 4x4 ni Francis siya sumakay. Magkakasama naman ang mga pinsan niya sa dalawa pang sasakyan. Bago pa man umandar ang sasakyan ni Francis, nagawa pang bumulong sa kanya ang Ate Sasha mula sa hindi pa nakasaradong bintana. "Ramanam ti dita ti maysa a Suarez. Awan ti nabuntog nga Suarez." “Ate…” Namula siya sa sinabi ng pinsan. Sina Kristina naman at Vivien na nasa kabilang sasakyan ay kumindat pa sa kanya. “What did she say?” Pahamak talaga si Ate Sasha. Parang napukaw pa ang curiosity ni Francis. “Happy trip daw.” She had to lie. Napatangu-tango na lang si Francis. Halatang ‘di kumbinsido. The engine revved and the journey began. Sa buong durasyong nasa biyahe sila, Francis never allowed to make the trip boring. Ang sasaya ng mga kinukwento nito. To top it all, hindi kailanman nasali si Elizabeth sa usapan. Pakiramdam niya tuloy, it was only the two of them that existed in the whole world. Habang nakatitig sa scenic view ng Ilocos, hindi niya maiwasang pumikit at humiling sa hangin na bumabati ngayon sa kanyang mukha. ‘Sana, ‘di na matapos ito.’ *** Una nilang pinuntahan ang isang sikat na dam sa lugar nila. Doon sila nag-breakfast. Kung saan-saan sila namasyal pagkatapos. Nag-lunch sila sa isang beach. The rest of the day, sa Laoag Sand Dune sila nagbabad. Yumayakap na ang dilim nang magdesisyon silang umuwi. Sa bahay ng Kuya Luis sila dumiretso. Baka nga gabihin din sa daan ang mama at papa niya, doon na rin sila naghapunan ni Francis. “So, busog na tayo. Next is inuman naman.” ‘Di makapaniwalang napalingon siya kay Vivien. Ito pa talaga ang nag-aya. “Maki-ride on ka na lang,” si Kristina na binunggo pa ang siko niya saka tumayo at kumuha ng ice sa kusina. “At huwag na huwag kang magsusumbong,” Ate Sasha seconded. Ano pa nga ba ang inaasahan niya kapag nagsasama-sama ang mga ito? Lalo na at wala prehas ang mga magulang nilang lahat. Ang inaalala niya lang naman ay si Francis. “We’re men, Bettina. Walang lalaking hindi kayang i-handle ang alcohol, including Francis. Tsaka, isa pa, please give me the freedom to enjoy my booze. Ngayon nga lang nagkakaroon ng ibang kaedad kong lalaki sa bahay. Nagsasawa na ako sa mga pagmumukha ninyo. Kapag umiinom kayo, ginagawa ninyo akong tagabantay.” Kuya Luis was right. Para namang sanay na uminom si Francis. Eh, nakita nga siya nito sa bar, at ni hindi man lang nasira ang mukha nang maubos ang tinagay ni Kuya Luis dito. Habang nagkakasiyahan ang mga pinsan, tahimik lang siyang nakaupo kasama ng mga ito. It’s either tagakuha siya ng pulutan sa kusina, ngunit madalas na nakamata siya sa alcohol intake ni Francis. Mamaya, malasing ito nang husto. As the hours passed, paparami na rin nang paparami ang naiinom ng mga pinsan. Worried na siya pagtungtong ng alas nueve na nagkakasiyahan pa rin ang mga ito. Mas lumalalim ang gabi, mas nagiging maingay. Kung saan-saan na napupunta ang usapan. She found out, Francis was not a complete saint. Kaya rin namang makipagsabayan sa mga green jokes na ibinabato nina Kristina. “Oi, tama na ‘yan. We need to go home na. Baka magalit sina Mama kapag nakitang nilalasing ninyo si Francis.” “Ayst, si Madreng Bettina talaga. Okay, okay, last na ‘to.” Itinaas ni Kuya Luis ang baso nito at tinungga ang natitirang laman. “Hindi n’yo na kasi kaya. Tingnan n’yo si Ate Sasha, she passed out already.” Nakabukaka pa ang pinsan habang nakahiga sa sofa at nakataas ang isang binti. Pinagtulungan na ito ng mga maids para maipasok sa silid ni Kristina. “Kaya mo pa bang umuwi, pare?” tanong ni Kuya Luis kay Francis na tumango lang bilang sagot. Nakahinga na rin siya nang maluwag. Sa wakas, matatapos na ang inuman at makakauwi na sila. Tumayo si Francis at nagpaalam sa mga pinsan niya. Sumunod na rin siya. Nakailang hakbang pa lang si Francis nang sumuray ito. Agad niya itong nadluhan. “Kaya mo pa ba?” Ngumiti ang binata. Namumungay ang mga matang piningot ang ilong niya at inilapit pa ang mukha sa kanya. “I can still manage.” Napapailing siya. Kahit pagsasalita nito, gumigiwang na rin. Pinaupo niya muna si Francis sa bangketo sa veranda at hinanap ang houseboy nina Kuya Luis na si Lino. Ito ang naghahatid-sundo kay Kristina noong nag-aaral pa ito sa bayan. “Saan ba ang susi?” Napalingon siya kay Francis na nakasandal sa pader ng bahay at nakatingala ang ulo. She took the liberty to take the key from his pocket. Ang sikip ng pantalon nito. Nahirapan siyang hugutin. “Hey, nanantsing ka ha.” She swears, ang gwapo ng ngiti nito lalo. But too much of his smile, kailangan nilang makauwi kaagad bago pa man maunahan ng mga magulang niya. Muling gumalaw ang kamay niya sa ilalim ng bulsa hanggang na nahawakan niya ang susi. Kasabay niyon ay ang pagkawala ng mahinang tawa nito. “Deeper, Liz. That tickles.” Para siyang napapasong binawi ang kamay na may hawak na na susi nang pigilan pa ni Francis ang wrist niya at mas lalong idiin sa umbok nito. God knows how much she felt ashamed of herself. Nabubundol ng knuckles niya ang bagay na supposedly, isang may-asawang babae lang ang nakakahawak. And Liz is not even married to Francis. Namait bigla ang laway na nalunok niya. Nakakainis. “Ma’am Bettina!” Nabaling kay Kuya Lino ang pansin niya. Nakasungaw ito sa bintana ng sasakyan. “Pakitulungan mo muna ako.” Ayaw niya munang madikit kay Francis. Nakakatakot lang. Para kasing may nagbabadyang sumabog sa kaloob-looban niya oras na mas lalo niyang idinikit ang katawan sa lalaki. Whatever it was, she couldn’t name. Sinadya niyang itabi ni Kuya Lino si Francis paupuin. Sitting alone in the backseat, she couldn't help but ponder the sudden wave of emotions flooding through her body. Kakaiba ang kilabot. Yet, another torture happened upon reaching home. Day off ng dalawang maids, maya-maya pa ang balik. Ang isa naman ay nasa itaas at namamalantsa, habang ang isa pa ay may ginagawa rin sa itaas. Ayaw niya namang mang-utos sa dalawang bodyguards. May policy ang ama na walang sinumang lalaking tauhan ang aakyat sa itaas ng bahay. Si Kuya Lino naman ay nagmamadali nang bumalik at baka hinahanap na raw ng asawa nitong kasambahay rin nina Kuya Luis. As they made their way to the bedroom together, she found herself grappling with the agony of that sudden surge of emotion. Iisa lang ang maid na naiwan na ngayon ay abala sa kusina. “Huwag ka ngang malikot,” saway niya kay Francis na nakakakukunsumeng ginulo pa ang buhok niya habang inaakay niya ito paakyat sa hagdanan. Kung alam lang nito kung gaano kahirap para sa kanya ang ginagawa. Kung gaano parang sasabog na sa kaba ang dibdib niya dahil lang sa halos wala nang hanging makalulusot sa pagitan ng mga katawan nila sa sobrang pagkakadikit. “You smell so nice.” This man is giving her a hard time. He’s sniffing her hair for God’s sake! Sa wakas, tanaw na niya ang guestroom. Pahirapan pa siyang buksan ang pintuan dahil sa bigat at laking mama ni Francis. “Senyorita, kailangan ninyo ho ba ng tulong?” Nahirapan niyang nilingon ang katulong. “Pakiakyatan mo na lang ako ng mainit na tubig at palanggana at malinis na towel, Meriam.” Nagkukumahog sa pagbaba ang maid. Balik naman sa binata ang pansin niya. “Malapit na.” She was eyeing the bed. Halos maibuwal na niya roon si Francis na halos naokupa na ang buong espasyo sa laki nito. Nakadipa pa ang mga braso at magkahiwalay ang mga hita. Sa hindi sinasadya, napadpad ang mga mata niya sa bahaging ‘yon. His bulge made her gulped. God, Bettina. Nakakahiya ka! “Senyorita, nandito na po ang hiningi mo.” Thank God for Meriam. Natigil ang nakakahiyang daloy ng utak. “Pakilagay na lang sa bedside table, Meriam. Salamat.” Tumalima si Meriam. “Tumawag nga pala ang mommy mo kanina, Senyorita, sabi baka bukas na raw uuwi at magpasama na lang daw ho kayo kina Ma’am Sasha. May emergency raw kasi ang lola mo.” “Napaano ba ang lola?” “‘Di po sinabi.” Whatever it was, hindi naman siguro ganoon ka delikado. Mabuti na rin at baka masabon siya ng nanay niya. “Senyorita, ayaw ninyo po ba talagang tulungan kita?” “Hindi. Kaya ko na, Meriam. Sige, balik ka na lang sa baba at huwag kalimutang isarado ang mga pintuan at gate ha? Tsaka, huwag mong patayin ang ilaw sa porch.” Bigla na lang kasing may gumapang na katakawan sa kaibuturan niya, ayaw niyang may humahawak na iba kay Francis. Nang mapag-isa, sinimulan niyang kumilos. Sanay naman siyang mag-alaga ng lasing. Kapag nalalasing ang dad niya, madalas niyang tinutulungan ang mommy na ayusan ang ama. Tinitigan niya ang nakatihayang si Francis. She was now facing a dilemma as to whether to undress this man or not. “Bahala na.” Inalisan niya ito ng sapatos at medyas. He sat beside him and soaked the clean towel in the lukewarm water at sinimulang marahang dampian ang gwapong mukha nito. Sobrang gaang lang ng bawat pagdapo ng labakara. Sa gitna ng ginagawa ay bigla na lang siyang napapatigil. She just sat there, admiring the beauty of this man. Namalayan niya na lang na binitawan na niya ang towelette at parang may sariling utak ang kamay na hinaplos ang pisngi nito. her fingers lingered on his lips. Naalala niya ang halik nito at ni Liz. ‘Ano kaya ang pakiramdam?’ She knew what she was thinking was illegal. She just couldn’t fight the urge to refrain herself from doing something so stupid. Ikinulong niya sa dalawang kamay ang pisngi nito at dahan-dahang ibinaba ang mukha palapit sa mukha nito habang walang tigil sa pagtibok ng malakas ang dibdib niya. Sobrang lapit na ng mga mukha nila. Tumatama na sa pisngi niya ang mainit nitong hininga at ang humalong amoy ng alak sa mabango nitong hininga. God, bakit parang pati siya nalalasing? Bumaba ang mga mata niya sa bibig nito. His were red and kissable lips. Napalunok siya. itinutulak siya ng kakaibang pwersa na dampian iyon. But then, reason took over her. ‘Mali ito, Bettina.’ Pero nang lalayo na sana siya sa lalaki, bumuka ang mga mata nito. Their eyes locked, and she found herself caught between wanting to get away from him or remaining trapped in an invisible, magical force. Nanaig ang tama pero hindi pa man tuluyang nakakaahon sa kama, nagawa nang pigilan ni Francis ang kamay niya. Hinila siya nito. She ended on top of him. Kumakabog nang husto ang dibdib niya. Their lips were almost brushing. Halos maduling siya sa sobrang lapit ng mga mukha nila. Umangat ang isang palad ni Francis. Dumantay iyon sa pisngi niya. She was tempted to close her eyes. Kakaiba lang kasi ang hagod ng kamay nito sa kanyang mukha. Nakakawala sa tamang hwesyo rin ang kakaiba sa kislap ng mapupungay na mga mata nito. Francis held her nape. She could feel how his finger caressed her skin. Para siyang nag-aapoy. “Bettina…” paos na banggit nito sa pangalan niya. It was as if asking permission. Wala siyang isinagot. She just stared back at him. “Damn!” Reason was overruled by something else. Tuluyang nawala ang gahiblang distansya ng mga mukha nila. Francis kissed her and her heart beat so wildly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD