"Ano na namang eksena to, Anthony?" naiinis kong asik sa kaniya. “Listen to me—“ Mabilis kong iwinaksi ang kamay niya nang sinubukan niya akong hawakan. Masama ko siyang tiningnan at lumayo ako sa kaniya. “Azalea. Please listen to me..” Pakiusap niya pa. Napabuntong hininga ako at itinuro ang pintuan ng aking opisina. “Get out, Anthony. Or better yet bumalik ka na sa bansang tinirhan mo dati. Bumalik kana sa states at wag kang dumagdag sa problema ko!” Tumaas ang boses ko dahil sa inis. My god! Is he serious? Sisiraan niya pa talaga ang asawa ko sa akin? “Ilang taon mo na ba akong kilala, Aza? At ilang taon mo palang nakilala ang lalaking iyon? Ang pamilyang iyon?” sikmat niya na ikina ikot ng mga mata ko. “I. Don’t. Care. I don’t care, Anthony! So if you’ll excuse me—“ “Siy

