Bago kami matulog ni Lucas, nakiusap ako sa kaniyang dalhin niya ako sa sinasabi niyang headquarters. Nagdalawang isip pa siyang pumayag but eventually, wala din naman siyang ibang choice. It's either papayag siya o aawayin ko siya. "Half day lang ako ngayon sa office. We'll go there after lunch?" sambit ko sa kaniya habang nasa loob ako ng kotse. Nasa harapan kami ng DF Industry ngayon. Hinatid niya ako sa work kaya maganda ang mood ko. "Okay, baby girl. Call me if you need anything okay?" malambing niyang pahayag kaya napangiti ako at tumango tango. "Superman ang peg ganun?" natatawa ko pang usal at hinalikan ang pisngi at labi niya. "Bye bye, hon. Sabay tayong mag lunch ha? Magpapareserved ako ng table sa sinasabi kong restaurant sayo." excited kong sambit sa kaniya at sinub

