Madaling araw na kami natapos ni Lucas. Inihanda ko na ang sarili dahil akala ko magigising akong masakit ang katawan but to my surprise, I feel so light! Napatingin ako sa aking tabi, mahimbing paring natutulog si Blaire at pati na rin si Lucas. “Oh, it’s still early huh..” mahina kong usal at dahan dahang bumangon. Tinitigan ko si Blaire at hindi napigilan ang halikan ang pisngi niya. Nagulat ako nang biglang dumilat ang mga mata niya. “Good morning, baby.” bulong ko kay Blaire. She smiled sweetly at mas niyakap ako. “Good morning tita pretty ko.. you smell so good po.” bati niya pabalik sa akin habang nakayakap. Humiga ako ulit para mayakap niya ako ng maayos. Naramdaman ko din ang braso ni Lucas mula sa aking likod kaya bahagya ko siyang nilingon. “Good morning, baby girl.”

