AZALEA's POV Mahigpit ang pagkakahawak ko sa baril habang bumabiyahe kami pabalik. Katabi ko si attorney Echavez na dumadaing dahil sa tama ng baril sa braso niya. "Are you sure we can trust them, Azalea?" pabulong nitong tanong sa akin sa gitna ng pagdaing. I looked at him at nodded. "Yes." seryoso kong sagot sa kaniya. He hesitantly looked at tito Lorenzo na nasa front seat. Kasunod ay lumingon siya sa likod namin kung nasaan si Lucas at si kuya Logan. "You'll be fine, attorney." I assured him kaya napatango siya at napasandal an lamang. Mabilis kaming nakarating sa bahay nina tito Lorenzo. "I think we should bring him to the hospital, hon." pahayag ko sa asawa ko nang makalabas kami ng van at ipinasok nila agad sa bahay si attorney. Hinarap ako ni Lucas at inayos ang buhok

