"Tigilan mo ako, Lucas! Nagugutom ako!" singhal ko sa kaniya at bahagyang nagpumiglas. Ngumuso siya at binitawan naman ako. "Okay." saad niya at tumalikod sa akin. Anong drama ang ginagawa ng asawa kong to? Dumiretso siya sa closet niya at namili doon ng damit. "Magbibihis lang ako sandali tapos baba na tayo para makapag hapunan." seryoso niyang pahayag nang hindi ako nililingon. Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na sa banyo para umihi at maghilamos man lang bago kami bumaba at makihalubilo sa kaniyang pamilya. Paglabas ko sa banyo ay naabutan kong ang seryoso at nay malalim na iniisip kong asawa. Hmm.. “Tara na?” anyaya ko pa pero mukhang hindi niya ako napansin dahil hindi siya gumalaw at nanatiling nakatitig lang sa pader. Naglakad ako papalapit at tumigil sa ka

