Puyat kaming lahat. Mag aalas dose na kaming natapos sa kwentuhan. Nag iinuman ang mga lalaki ng beer habang kami naman ay wine maliban kay Mara na panay ang reklamo dahil hindi siya pwede nun. Alas sais palang ay gising na ako. Magaan ang aking pakiramdam at hindi napigilang itaas ang kamay at titigan ulit ang singsing na bigay ni Lucas. Hindi ko mapigilang maluha kapag naiisip na sa wakas! Hindi ko alam na iniisip pala ni Lucas ang magpakasal ulit. I am beyond happy. As a girl, pangarap kong ikasal sa altar. I thought it’s impossible for me but here we are.. malapit nang matupad iyon. “You like it?” Napalingon ako sa aking tabi nang magsalita si Lucas. Tumagilid ako paharap sa kaniya, pareho pa din kaming nakahiga sa kama. “I just don’t like it, hon. I love it!” nakangiti kon

