❀⊱Yna's POV⊰❀ Hindi ako makatulog. Nasa pool area sila Arquiz, at doon sila nag-iinuman kasama si Marcus. Tahimik lang ang paligid, pero ang isipan ko, parang ang gulo, parang ang ingay kaya hindi ako makapag-isip ng maayos. Tumingin ako sa kisame. Wala lang, nakatitig lang ako. Tinakpan ko ng dalawang palad ang mukha ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko. Inisip ko na lang ang pag-uusap namin nila Marcus kanina. Bukas nga ay aalis kami, at ang mga anak ko ay maiiwan sa aking mga magulang. Sila muna ang magbabantay sa kanila, kasama ang dalawang yaya. Gustong-gusto rin ng mga bata sa kanilang lolo at lola, kasi lagi silang dinadala sa mall. Lagi silang pinapakain ng ice cream ng mom ko. Nakausap ko si Rahiyah kanina, at sabi niya okay daw. Pero hone

