┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Ano ang ginagawa mo dito?" Biglang napalingon si Ynah ng marinig niya ang boses ni Jhovel. Nagulat siya. Hindi niya inaasahan na makikita niya ang kaibigan niya sa safehouse nila. "Uhm... dito sana ako matutulog mamaya. Hindi ba pwede? May silid naman ako dito, hindi ba?" Sagot niya. Natawa naman ng mahina si Jhovel at nilapitan niya ang kaibigan niya. "Ikaw talaga. Tinatanong lang kita kung ano ang ginagawa mo dito. Akala ko kasi ay may misyon ka." Napangiti si Ynah. Kinuha niya ang sigarilyo na nasa ibabaw ng stone table at saka siya nagsindi ng isa. Hinitit niya agad ito, pagkatapos ay ninamnam ang usok bago ibinuga. "Si Arquiz ba?" Tanong niya. Sasagot sana si Ynah, pero dumating si Aja, kasama niya si Lyndon. Kahapon pa sila wala, at dapat kagabi ang balik nila

