┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ -Continuation... "Ituloy mo, Arquiz, ang sinasabi mo dahil gusto kong marinig ang lahat." Galit na galit na sabi ni Ynah. Makikita sa kanyang mukha... lalo na sa kanyang mga mata, ang matinding pagkamuhi sa lalaking itinangi ng kanyang puso. "Magsalita ka! Why won’t you say anything? Kung pakakawalan mo ako, ano na? Paano ang katawan ko? Paano mo pa ako maaangkin? Paano mo pa ako pagsasawaan kung pakakawalan mo ako? Iyon ba ang gusto mong sabihin, ha, Arquiz? Hayop ka, Arquiz! Binuhos ko sa’yo ang lahat... pati na ang kaluluwa ko. Ito lang ang maririnig ko mula sa’yo? Nagpakatanga ako, at ngayon ayaw mo lang akong mawala dahil mawawalan ka ng pampainit sa kama mo? Wala kang puso, Arquiz... pinagsisihan ko na minahal kita ng higit pa sa buhay ko." Parang binuhusan ng mal

