┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ -Continuation... Walang nagsasalita, wala ni isa man ang nagnanais na basagin ang katahimikan. Naririnig nila ang malalim na paghinga ni Arquiz, ang bawat hikbi na pilit niyang pinipigilan. Ang bawat pagsinghot nito dahil sa mga nangyayari ngayon sa kanyang buhay. May galit man itong nararamdaman para kay Vinz, pero tuluyan itong naglaho dahil sa kanyang mga narinig. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang ipagsigawan ngayon ang labis na kaligayahan ng kanyang puso, pero nananatiling tikom ang kanyang bibig. Hanggang sa ang kambal nilang anak ay magsalita. "Dadi..." Bigkas ng kambal nilang anak. Biglang nag-angat ng mukha si Arquiz, pagkatapos ay niyakap niya ng mahigpit ang dalawa niyang anak. Hindi pa rin siya makapag-salita. Masyado siyang nalulunod sa labis na kaligayaha

