Chapter 1 -The game of Lust-

2219 Words
Mabilis na nagtataas-baba ang balakang ni Arquiz sa ibabaw ng babaeng kanyang kaniig. Malalakas na ungol nila ang pumupuno ngayon sa bawat sulok ng silid ng condo unit ng binata. Halos nalibot nila ni Ynah ang loob ng silid dahil sa iba't ibang uri ng posisyon, at hapo ang kanilang katawan na humiga ng patihaya sa kama. Arquiz Atlas Montefalcon at Ynah Mateo. Dalawang assassin sa magkaibang organisasyon. Parehong nagpapakasarap sa bawat sandali na magkasama sila, ngunit ang pagsasama nilang ito ay walang halong pagmamahal. It was all about lust... the undeniable sẹxual chemistry between them that they simply could not ignore. Both of them fueled a fire that burned hotter with each encounter, leading them to engage in a tantalizing game. This game of desire became an exhilarating experience for both, at habang sila ay nagpapakasarap sa kandungan ng bawat isa, hindi nila naiisip kung ano ang maaaring kahihinatnan ng laro nilang ito. "Thank you for this wonderful night. Habang nagtatagal pasarap ka ng pasarap. Basta ang usapan natin Ynah, wala itong halong pagmamahal kaya huwag kang maghahabol sa akin, at kung ayaw na natin sa isa't isa ay maaari na tayong maghiwalay ng landas." Natawa ng mahina si Ynah, but she remains silent. Pareho silang walang saplot, at sanay na sila sa ganitong uri ng sitwasyon nila. "Don't worry about it. Just make sure you don't get me pregnant, as I don’t want that to complicate our arrangement. Kung magkakaroon man ako ng anak, hindi ikaw ang pangarap kong maging ama nila." Mahinang natawa si Arquiz at tumayo ito ng walang saplot. "Fair enough." Simpleng sagot nito. Kumuha ito ng baso at sinalinan niya ito ng alak. Si Ynah naman ay nagtungo ng banyo at naligo. Matapos ang halos dalawampong minuto ay lumabas ito ng banyo at nagbihis sa harapan ni Arquiz. "I have to go. May trabaho pa ako. May ipinapagawa sa akin si Orion kaya kailangan ko ng umalis. Huwag mo akong tatawagan kung hindi naman kailangan. Wala tayong relasyon. Sabi mo nga ay purong init lamang ito ng ating katawan." Tumango lang si Arquiz at hindi na niya nilingon pa si Ynah. Pagkalabas ni Ynah ng condo ay dumiretso na ito sa parking lot. Humugot ito ng malalim na paghinga. Sa loob ng anim na buwan nilang ginagawa ito, unti-unting nahuhulog si Ynah sa binata. Ngunit alam niya na ni katiting na pagmamahal ay wala siyang makukuha kay Arquiz. Gusto niyang sumigaw dahil sa katangahan niya, pero huli na ang lahat dahil pumayag siya sa ganitong sitwasyon. Mabilis siyang sumampa sa kanyang motor at agad niya itong pinaharurot. Nasasaktan siya sa sinabi ni Arquiz sa kanya kanina. Gusto niyang magalit kay Arquiz, ngunit ginusto niya ito. Hindi niya makalimutan ang gabi na nagkasama sila sa iisang misyon. Magkasama sila buong magdamag at duon niya naisuko ang kanyang pinakaiingatang pagkabirhen. Mula nuon, nagkasundo sila na magiging partner silang dalawa, ngunit sa tawag lamang ng init ng katawan. Ngayon ay pinagsisisihan niya ito dahil unti-unti na niyang minamahal ang assassin ni Marcus. "Fuuuuuck!" Malakas na sigaw ni Ynah kaya mas lalo niyang pinaharurot ang dala niyang big bike. Wala na siyang pakialam kung malakas na bumubuhos ang ulan. Nasasaktan siya ngayon and it felt as though the relentless rain was mourning alongside her, echoing the pain of her wounded heart. "Damn you, Arquiz!" Malakas nitong sigaw habang binabagtas nito ang daan patungo sa hideout mansion ni Orion. Hindi nagtagal ay nakarating siya sa hideout nila. Sinigurado niya na walang bakas ng kanyang mga luha ang kanyang mga mata, at sa lakas ng ulan ay hindi nila iisipin na galing ito sa pag-iyak. "Nandito ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ni Orion sa loob. Basang-basa ka. Bakit hindi ka muna nagpatila ng ulan?" Si Aja na tinapik pa sa balikat si Ynah. "Kanina pa ba kayo dito? May ginawa pa kasi ako sa condo ko kaya natagalan ako. Tapos ang lakas pa ng ulan. Hindi naman humihinto kaya sinuong ko na ito. Papasok na ako sa loob, alam ko na kanina pa naghihintay sa akin ang ating pinuno. Baka nagsusungay na ito." Sagot nito na may halong pagbibiro kaya natawa si Aja. Pagkapasok ni Ynah sa loob ay sinalubong naman siya ng kanyang kaibigan na si Jhovel. Nagpakuha pa ito ng towel sa kasambahay nila dahil basang-basa si Ynah. "Akyat ka muna sa silid mo. Baka magkasakit ka bruh. Sige na, magbihis ka muna, makakapaghintay naman si Kuya Orion." Tumango lang si Ynah sa tinuran ni Jhovel at nagtungo na ito sa ikalawang palapag. Pagkasara ng pintuan ng kanyang silid ay napasandal ito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inalala ang sinabi ni Arquiz sa kanya. 'Basta ang usapan natin Ynah, wala itong halong pagmamahal kaya huwag kang maghahabol sa akin, at kung ayaw na natin sa isa't isa ay maaari na tayong maghiwalay ng landas.' "Damn you!" Sigaw nito. Wala namang makakarinig sa kanya sa labas dahil ang bawat silid ng mansyon na ginawang hideout ni Orion ay soundproof. 'Lahat ng ginagawa ko sa'yo, bawat pagkikita natin at bawat pagtugon ko sa pangangailangan ng iyong katawan... ang lahat ng 'yan ay may halong pagmamahal.' Tumulo ang luha niya, ang kanilang laro, ngayon ay nagsisimula na ang kanyang pagkatalo. 'Paiibigin kita Arquiz. Kailangan mo akong mahalin katulad ng pagmamahal ko sa'yo. Even though I desperately want to put an end to this game, I can't bring myself to do it because my love for you runs far too deep for me to just walk away. Damn it, Arquiz! Bakit ikaw pa!' Ilang katok ang narinig niya sa pintuan kaya nagmamadali itong kumuha ng damit, pagkatapos ay naghubad ito at nagpalit ng kanyang suot. Sunod-sunod na katok pa ang kanyang narinig kaya nagmamadali ang bawat kilos niya. Pagkatapos ay nagtungo ito sa loob ng walk in closet at pinagmasdan ang sarili niya sa isang malaking salamin. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at saka ito naglagay ng pulbos. Nagpahid din ito ng kaunting lipstick at sinigurado niya na hindi mapapansin na muli itong umiyak. Pagbukas niya ng pintuan ay nakangiti na ito, parang walang problema at nagagawa pa niyang magbiro sa kanyang kaibigan. "Jusko, nagmamadali ka ba? Nagbibihis ako at nagpapaganda noh!" Wika nito at tumirik pa ang kanyang mga mata kaya tawa ng tawa si Jhovel. "Tumila na ang ulan at ipinapatawag ka na rin ni Kuya. May assignment ka, kasama mo si Aja. Ayaw akong pasamahin ni kuya dahil may sarili daw akong misyon na kasama si Greg. Kainis nga eh, gusto ko sanang sumama sa inyo, pero ayaw niya at may dapat daw kaming i-eliminate ngayong gabi ni Greg." Jhovel said, and Ynah rolled her eyes kaya tawa ng tawa si Jhovel. Sabay silang bumaba ng unang palapag. Inabutan nila si Orion na nakaupo sa sofa, kausap si Greg at si Aja. May mga nakalatag na dokumento sa coffee table na mukhang ito ang kanilang mga misyon. "Aja, and Ynah. Pagmasdan ninyong mabuti ang mukha ng tatlong lalaki na 'yan. Sila ang mga taong ililigpit ninyo. Siguraduhin ninyo na hindi ninyo iiwanang buhay ang mga 'yan. Here are the details about the three men... ensure that you eliminate them before sunrise. They are currently hiding out in Tondo, so proceed with caution. Make sure to be careful out there. Is that understood?" Wika ni Orion. Tumango naman si Ynah at si Aja, habang tinatanggap ng mga ito ang folder na ibinibigay sa kanila ng kanilang pinuno. "Paano ako? May gagawin ba ako ngayong gabi? Kung wala ay uuwi muna ako at inaantok na ako. Bukas na lang ako babalik dito kapag may ipapagawa ka, kung wala naman ay duon muna ako sa opisina ko magbababad." Ngumisi si Orion kay Noah. Si Noah ang kanang kamay ni Orion at matalik na kaibigan. Isa din itong magaling na assassin, at lahat ng trabaho nito ay sinisigurado nito na walang butas. Umalis na sila Aja at Ynah. Nakarating din sila sa Tondo at pinuntahan agad nila ang mga tauhan ni Orion na nagmamasid sa lugar. Madilim din ang gabi kaya ng sumampa sila sa likod ng isang barong-barong upang makasampa sa isang malaking puno ay walang nakapansin sa kanila. Pumuwesto si Ynah ng padapa sa isang malaking sanga at ganuon din si Aja. Hawak nila ang kanilang sniper rifle habang pinagmamasdan ang kanilang target mula sa scope. "I know your secret." Mahinang sabi ni Aja kaya napatingin sa kanya si Ynah. Kunot ang noo nito habang titig na titig lang siya kay Aja. "How long has it been mula ng... alam mo na? I mean... nagsasama na ba kayo, Ynah? Mahal n'yo ba ang isa't isa? I don’t see it that way, iba kasi ang nakikita ko sa inyong dalawa. Hindi ko nakikita kay Arquiz ang pagmamahal sa'yo, pero ikaw... I don't know, ayoko namang magsalita kasi wala akong alam. So tell me, was it merely a game for both of you?" Natawa ng mahina si Ynah at muling ibinalik ang kanyang isang mata sa scope at tinignan ang mga taong kailangan nilang iligpit. Ala una na ng madaling araw, buhay pa ang mga ilaw sa maliit na bahay na pinagtataguan ng tatlong lalaking pinapatumba ni Orion. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Huwag ako ang intindihin mo Aja, ang trabaho natin ang asikasuhin natin." Hindi na kumibo pa si Aja. Nakita nila ang tatlong lalaki na lumabas ng maliit na bahay, mukhang may lakad ang mga ito. Inasinta ni Ynah ang isang lalaki na may malaking tiyan, at sa pagitan ng mga mata nito ay tumama ang bala ng kanyang rifle. Si Aja naman ay inasinta ang ang isang payat na lalaki, at pagkalabit niya ng gatilyo ay butas din ang noo nito. Akmang bubunot ng baril ang isa, pero dalawang bala ang tumama sa kanyang noo. Nagkagulo ang mga tao, at iyon ang kinuha nilang pagkakataon upang tumalon mula sa puno. Pagkatapos ay nagmamadali na silang sumakay sa getaway car na naghihintay sa kanila. "Wooh!" malakas na sigaw nilang dalawa sabay fistbump nila. "Nakita mo ba ang ikatlo? Dalawang bala ang tumama sa noo niya." Tuwang-tuwa si Ynah. Saglit lang nilang nagawa ni Aja ang pinatrabaho sa kanila ng kanilang pinuno. "Easy peasy lemon squeezy." Sabay nilang sabi ni Aja kaya muli silang nagkatawanan. Tinawagan nila si Orion at ibinalita na tapos na ang kanilang misyon. Pagkarating nila ng mansyon ay nagpaalam din agad si Ynah kay Orion. Dumiretso na siya ng uwi ng kanyang condo at itinago niya ang kanyang guitar case na may lamang sniper rifle. Paghiga niya sa kama ay tumunog ang kanyang telepono. Napangiti siya ng makita niya ang pangalan ni Arquiz. Napansin din niya ang maraming missed calls nito. "Hey, kanina pa kita tinatawagan. Okay ka lang ba? Kamusta ang misyon mo? Nagawa mo ba? I am alone here in my condo, hindi ako makatulog. Gusto mo bang tumabi sa akin? Susunduin kita, o kaya naman ay diyan na lang ako sa condo mo. Gusto ko lang matulog ng katabi ka. Huwag kang mag-alala, wala akong gagawin, gusto ko lang makatabi ka sa pagtulog." Hindi makakibo si Ynah. Kumakabog ng mabilis ang kanyang puso dahil ito ang unang pagkakataon na tinawagan siya ni Arquiz upang sabihin sa kanya na gusto lamang nitong matulog na katabi siya. "Uhm... hindi na. pagod na ako, gusto ko ng matulog Arquiz. Goodnight!" Isang malaking ngiti ang sumilay sa kanyang labi at nakangiti itong nahiga sa kanyang kama, pero nagulat siya ng makarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pintuan ng unit niya. Tumunog din ang kanyang phone at si Arquiz ang tumatawag ulit sa kanya. "Buksan mo ang pintuan, inaantok na ako. May dala din akong pagkain, baka napagod ka sa misyon mo." Nagulat si Ynah at nagmamadali itong bumangon sa kanyang kama. Inayos niya ang kanyang sarili at binuksan ang pintuan ng condo. "Hi. May food akong dala. Niluto ko ito at mainit-init pa." Wika ni Arquiz at itinaas pa nito ang dalang paper bag na may lamang tupperware. Pagkatapos ay isang halik ang iginawad nito sa labi ni Ynah. Hindi naman makapaniwala ang dalaga pero kinikilig ito. "Let's eat bago tayo matulog? Magugustuhan mo ito, ako ang naghanda nito bago ako pumunta dito." Nakangiti si Arquiz at kinuha niya ang kamay ni Ynah. Pinagsalikop niya ang mga palad nila at iginiya niya ito sa kusina. Inilabas niya ang laman ng mga tupperware at natawa si Ynah ng malakas ng makita niya kung ano ang inihanda ni Arquiz para sa kanya. "Deviled eggs and eggs benedict?" Tumawa din si Arquiz at sinubuan niya ng deviled egg si Ynah. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ng dalaga. Nagsusumigaw ang kanyang puso sa labis na kaligayahan na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya. This is the first time Arquiz has done this with her. Is he falling for her? No one knows, maging si Ynah ay naguguluhan sa binata. "Masarap? Kasing sarap ko ba ang lasa?" Isang malakas na tawa muli ang ginawa ni Ynah dahil sa tanong ni Arquiz, pero tumango ito kaya natawa na rin ang binata. "Kasing sarap mo." Tumitig si Arquiz sa dalaga, hinawi niya ang buhok ni Ynah na tumabing sa magandang mukha nito, pagkatapos ay maingat niya itong hinalikan sa labi. Naguguluhan si Ynah, pero ikinatutuwa ito ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD