┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Dumating ang hinihintay nilang shipments kaninang umaga na nanggaling ng Milan. Pero hindi muna nila ito pina-byahe, katulad ng ipinag-utos ni Orion. Hinintay nila ang pagdilim ng paligid upang mai-byahe ng maayos ang kargamentong binabantayan nila. Hanggang sa lumipas pa ang mga oras at tuluyan na ngang sumapit ang malalim na gabi. Maingat ng nakasunod sina Ynah at Aja sa convoy ng bagong dating na shipments... mga crates na puno ng smuggled firearms mula sa kanilang organisasyon na nanggaling pa sa Milan. Nakasakay ang mga ito sa isang trailer van truck, escorted by several unmarked vehicles. Hindi basta-basta ang convoy na kabilang nila Aja at Ynah. Ang mga sasakyang kasama ay pawang tauhan din ng Dark Immortal, na inatasang tiyaking walang mangyayaring aberya o ambus

