┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ -Continuation... Kulang dalawang oras ang lumipas nang sa wakas ay nakarating sila sa San Rafael, Bulacan. Sinalubong sila ng kanilang mga tauhan na matiyagang naghihintay sa kanila. "Ano ang update dito?" Tanong ni Marcus. "Boss, dumating na ang sindikatong tinutukoy namin, pero hindi sila gaanong marami. Pero ang kainaman ay kasama nila ang kanilang pinuno, at kararating lang nila ilang minuto bago kayo dumating." Wika ng isa sa mga tauhan ni Marcus, ang lider ng grupo na itinalaga niya sa lugar na 'yon. "Wala silang dalang heavy artillery, standard sidearms lang ang nakikita naming bitbit nila. Pero may nasagap kami sa comms frequency. Posibleng may mga reinforcements na paparating within the next hour. Hindi pa klaro kung gaano karami ang tinutukoy nila, pero mukhang

