┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Kanina pa palakad-lakad si Arquiz sa kanyang living room. Gusto niyang puntahan si Ynah sa condo nito. Ilang araw ng nakabalik si Ynah from Quezon province, at naging busy ito dahil kasama niyang bumalik ng Manila ang kaibigan niya. Inihatid niya ito sa Sta Mesa, at sinamahan niya na mamili ng ilang gamit ang kaibigan niyang 'yon na walang iba kung hindi si Anne. "Shiiit!" Mura ni Arquiz habang parang lagari na naglalakad sa gitna ng kanyang living room. "Damn it, Ynah!" Muli niyang sabi. Humugot siya ng malalim na paghinga at saka siya tumingin sa kanyang orasang pangbisig. Mag-aalas diyes na ng gabi. Hindi rin sumasagot si Ynah sa tawag niya. Nakakausap naman niya ito. Sinabi sa kanya ni Ynah na masyado lang itong busy sa negosyo nila kaya nawawalan siya ng oras. P

