Warning: SPG _________ "Saan ka galing?" Nagulat si Rima sa salubong ni Beid sa kaniya. Medyo kinabahan din siya sa paaran ng pagtingin nito. Hindi ito ang inasahan niya. "Babe-" "Don't call me babe. Saan ka galing?" Kinagat ni Rima ang labi at medyo nagulat sa malamig nitong boses. "Galit ka ba?" "Hindi" mas lalong nandilim ang paningin nito. "Sabihin mo kung saan ka galing" Kahit kinakabahan ay sinagot na lang niya ang tanong nito. Sa paraan ng pagtatanong ng Señor, alam niyang alam nito kung saan siya nanggaling. "Naghalf day po kasi tapos....nagkayayaan po kami ng kaibigan ko na mamamasiyal muna. Plano ko naman pong magpaalam kaya lang po hindi ko nadala ang cellphone k-" "Anong sinabi ko sa'yo? Anong bilin ko sa'yo?" Tumayo ito at lumapit sa kaniya. Magkasalubong pa

