"Ikaw talaga lagi kang nang-aasar" ngumuso si Rima. Akala niya talaga ay mayroon talagang letter pero 'yong tsokolate talaga 'yong pakay niya. "'Yon ang daan ko para mag sorry. Sorry talaga Rima. Hindi ko alam na matatakutin ka" ani ni Peter. "Okay lang. Huwag mo na ulit gagawin 'yon" Maaring mapang-asar at medyo kuleto si Peter ay naging mabait na kaibigan niya ito. Napalapit na rin siya dito katulad nina Diane at Jill. Hindi lang alam ni Rima kung bakit hindi niya maikwento kay Beid ang binata. Bakit siya kinakabahan kung ipapakilala niya si Peter? "Bakit sobra ka namang makatingin? Sobra ko bang gwapo?" Nagpogi sign pa si Peter at pinapungay ang mata. Mahinhin namang tumawa si Rima. Hindi niya namalayan na napatingin na pala siya kay Peter. May itsura ito ngunit iba ang nas

