Hindi alam ni Rima kung paano ngunit nagawa niya. Nasa harap siya ng maliit na bahay ni Peter. Nasakay siya kay BD, ang kaniyang bike habang kinakapos ng hininga. Mabuti na lang at lagi niyang dala ang inhaler. Nagpahinga siya saglit bago bumaba ng kaniyang bisikleta. Sobra pa rin ang tindi ng galit ni Rima. Nag-iinit ang ulo niya. Nang makapagpahinga ay itinabi niya sa isang malaking puno ang kaniyang bisikleta at mabibigat na yumapak papunta sa pinto kung saan nanunuluyan ang kaniyang ex-kaibigan. Sa lahat ng ginawa nito ay hindi niya na ito maituturing na kaibigan pa. "Peter!" Sigaw ni Rima. Kumatok siya sa pinto ni Peter. Desperado ang kaniyang pagkatok. Kailangan nila mag-usap. Kailangan mapatunayan ni Rima kay Beid na wala talaga siyang kasalanan. Hindi niya matanggap

