Napanood ko ang eksena kahapon, 'di ko alam pero gusto kong malaman kung sino siya? Nakuha nito ang attention ko kaya napagpasyahan kong pumasok ngayon. Gusto ko makita ang katulad niya, para kaseng kakaiba siya sa lahat. "Pssstt... Hoy, pre tulala ampt!" ani Valser. "Mukhang malalim ang iniisip mo ah? Inlove yata?" ani naman ni Jendy. "Let's go, papasok tayo ngayon!" aya ko at tumayo kinuha ang bag. Lumabas na ako nang tambayan at naglakad papunta sa room. "Really? Seryoso ka, papasok talaga tayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Jendy, malamang sa loob nang isang buwan ngayon lang kami papasok sa room. Pero palagi naman kaming narito sa school, nagmamasid sa paligid. "Himala! Papasok ka talaga?" tanong ni Valser. "Tch..." sabi ko na lang at nagtuloy-tuloy sa paglalakad, may mga

