“Hi, Konaide! Kamusta ang tagal mong hindi pumasok ah?” tanong ni Lay, hindi ko na lang sila pinansin. Bahala sila sa buhay nila, nang makarating ako sa cafeteria agad akong bumili ng makakain at umupo na. Pero lahat rin sila, umupo sa harap ko. Hindi ba nila ako lulubayan? Tinignan ko na lang sila ng masama, gusto kong mapag-isa at hindi rin ako makakain ng maayos kapag nakaharap sila. “What happened to you, Konaide? Ilang araw ka ring hindi pumasok ah?” taanong ni Shadow sa’kin. “Nothing and, kung may nangyari man sa akin. Wala ka nang paki d’on, Mr. Winstone!” sarcastic na ani ko at tinuloy na ang pagkain, nakita ko naman sa gilid ko ang dalawang bugok na natatawa. Napa-Tch, na lang si Shadow. Dahil naiirita na ako sa kanila, tumayo na ako sa upuan ko at nang aalis na sana ako bigla n

