Papang's POV Nakakalungkot isipin na sa isang iglap maaring tuluyang mawala sa akin ang Hacienda. Napamahal na sa akin ang Hacienda kung saan ko pansamantalang ginugol ang atensyon ko noong mga panahong nawala si Gray sa akin. Dito ko unti-unting binuo ang pangarap ko para sa mga anak ko...lalo na kay Gray. Kaya labis rin ang pagsisisi ko nang masaktan ko ang nagiisang anak ko..si Gray. Si Gray lang ang tunay kong anak mula kay Melissa pero sa pagdaan ng panahon natututo kong ituring na parang sariling dugo at laman si Gary at Gracia. Limang buwan matapos kong pakasalan si Melissa na noon ay isang Flight attendant ay nalaman kong nagdadalang-tao ito mula sa ibang lalaki. Masakit at nakakababa nang p*********i pero pinili kong tanggapin siya at ang magiging anak niya dahil mas lamang pa r

