"Bunsoy"
"Bunsoy,gumising ka na muna" tawag ng isang boses sa labas ng kwarto ko na sinabayan pa nang mahinang pagkatok nito.
F*ck! Hindi ba sila tinuruan ng privacy? Bakit ba ang kulit nila?
Actually kanina pa ako gising pero mas pinili kong humiga muna para makapagmuni-muni. Ano kayang pwede kong gawin habang nandito ako sa hacienda, kailangan may gawin ako para makaiwas ako kela Ate Gracia at Papang. Magaalas-nueve na din ng gabi at mukhang mahaba-haba ang naitulog ko dala na rin siguro ng mahabang byahe pabalik dito sa Pilipinas. Pero kung tutuusin kulang na kulang pa itong tulog ko, sa New York kasi mas madalas akong gising lalo na pagkaliwat-kanan ang mga party at events na kailangan kong puntahan.
"Bunsoy....." tawag pa sana na alam kong si Ate Gracia lang naman na may kakulitan.
"Yes....yes lalabas na ako. What the hell?!" iritado kong pagpigil dito na mukhang sinunod naman ni Ate dahil hindi na ito muling kumatok pa. Hindi naman ako tulog mantika kaya unting boses lang ay kaagad akong nagigising plus kanina pa ako gising,sadyang ayoko lang talagang lumabas muna.
Mukha wala ng mga tao nang lumabas ako mula sa kwarto hindi katulad kanina na maririnig mo ang tawanan at kwentuhan ng mga trabahador ni papang. Hindi na rin kataka-taka yun dahil dis-oras na din ng gabi at malamang ay nagpapahinga na ang mga ito. Dumiretso na ako sa kusina kung saan may isang maliit na lamesa kung saan pwede kang kumain. Tama ,dito na lang kakain masyadong malaki ang lamesa sa dining are at total ako lang naman ang kakain ngayon.
"Bunsoy....nandyan ka na pala. Mukhang napahaba ata ang tulog mo hindi mo na tuloy naabutan ang kasiyahan kanina." nadinig kong bati sa akin ni ate nasa kusina din pala na mukhang pinaghahanda ako ng pagkain. Nakakapanibago lang dahil mas sanay akong ako lang ang naghahanda ng pagkain ko na madalas ay instant noodles lang o di naman kaya ay take-out sa mga fast-food restaurants.
"Napagod lang ako sa byahe" matipid kong sagot dito habang umuupo ako sa isang kahoy na upuan sa lamesa.
"Oo nga bunsoy, sayang nga at hindi mo nakilala ang mga tauhan natin. Katulad ni Papang sabik na sabik din silang makita at makausap ka. Kanina nga ay tuwang tuwa sila nang sa wakas ay nakita na nila ang bunso ni Papang.....ang bunsoy namin" Nakangiti nitong kwento sa akin habang umuupo din ito kaharap ng kinauupuan ko.
"What for? Anong pag-uusapan namin? I don't even know them...and besides...wala akong balak magtagal dito Ate Gracia. I came back for a reason. Bumalik ako dahil may kapalit" tanong ko dito habang sumasandok ako ng kanin pero hindi na ako nag-abalang tignan pa si Ate Gracia.
"Syempre gusto ka nilang makilala. Lagi ka kasing laman ng mga kwento ni Papang sa kanila. Kaya nga parang kilala ka na din nila dahil nga madalas kang ikwento ni Papang sa kanila" sagot naman nito sa akin na nakapagpataas ng kilay ko. Ano to kalokohan? Ikukwento niya sa mga tauhan niya ang anak niyang bakla na tinakwil niya noon?
"So kwinento niya sa mga tauhan niya na bakla ang bunso niyang anak" nakangisi kong tanong kay ate na kaagad nagbago ang ngiti na napalitan nang pagkabahala.
"Bunsoy, hindi ganun....mahal ka ni Papang.. mahal ka namin. Nagsisisi na si Papang sa mga nagawa niya noon.....dala lang yun ng pagkabigla.. kaya sana maintindihan mo na mahal ka niya" nagaalala nitong sabi sa akin habang ako naman ay pinagpatuloy na lang ang pagkain. Nakakatawa lang marinig yang salitang "pagmamahal nay an", keso mahal daw nila ako..... eh punyeta naman pala e! bakit wala akong naramdaman noon? Kung mahal nila ako hindi nila ako itatakwil at iiwan nang ganun lang.
"Nice try Ate Gracia. I never thought na magiging abogado ka na pala ni Papang para mapagtakapan ang ginawa niya sa aking noon. He used to be my idol, my hero and noong gabing iyon tiwala ako na hindi niya ako papabayaan , but mali pala ako" nanguuyam kong sabi kay Ate Gracia habang kumakain.
"Gray hindi ko ito sinasabi sayo dahil sinabi ni Papang, gusto kong marinig mo ang lahat ng ito dahil iyon ang totoo. Mahal niya tayong lahat Gray...mahal ka niya" pagpilit pa ni Ate Gracia sa akin
"talaga lang ha" nang-aasar kong sagot kay ate habang pinapagpatuloy ko ang pagkain. Hindi ko naman gustong pakitaan nang ganitong ugali si Ate Gracia dahil sa kanilang lahat siya ang pinaka-nagsumikap para magreach-out sa akin even before. Naaalala ko noong 17 years old pa lang ako ilang beses tumawag si Ate Gracia nang palihim sa akin para lang kamustahin ako , ilang beses siyang umiyak sa akin na namimiss niya na ako at gusto niyang sunduin ako sa New York dahil alam niyang nag-iisa lang ako....pero dahil nga wala siyang pera...wala din siyang nagawa.
"napatawad mo na ba sila Bunsoy?" seryosong tanong ni Ate Gracia sa akin matapos ang mahabang katahimikan. Tanging tunog ng kubyertos lang ang maririnig mo sa pagitan naming dahil pinili kong magsalita. Alam kong alam ni Ate Gracia ang sagot ko sa tanong niya, dahil alam ko na kalakip ng salitang pagpapatawad ay ang pagmamahal....at matagal ko nang tinalikuran ang salitang yun.
Hindi na mulang nagtangkang matanong at masalita pa si Ate Gracia dahil wala naman akong sinasagot sa mga tanong niya. Kaya matapos kong kumain at mahugasan ang pinagkainan ko at iniwan ko na ito sa kusina para maglakad-lakad muna. Malalim na ang gabi at tanging ingay na lang ng mga kuliglig ang mariring mo, sinabayan pa ito ng malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking balat...naka sando pa naman ako. Pero sa haba ng tinulog ko kanina mukhang mahihirapan akong makatulog agad kaya mas mabuting maglakad-lakad lang muna ako.
Malaki-laki nga ang hacienda nila Papang, sa bandang likuran ng bahay ay makikita mo ang malawak na taniman ng mga mais samantalang sa kanan nito ay makikita mo ang matatayog na puno ng niyog na mukhang ginagamit nila sa paggawa ng copra. Nakanakaw din ng pansin sa akin ang mga hayop sa gilid ng bahay tulad ng mga kabayo at kambing na mukhang alagang-alaga at ginawan pa ng isang kubo. Ito yung pangarap ko before ang tumira sa isang lugar na maraming halaman at mga hayop, malayo sa maiingay na lugar at mausok na kapaligiran...pero kabaligtaran ang nangyayari ngayon.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makarinig ako ng lagas-gasan ng tubig na nakapagpa-excite sa akin. Don't tell me may ilog or sapa dito dahil kung mayroon man....perfect place na ito para sa akin! Kaagad kong sinundan ang pinanggagalingan ng tunog ng umaagos na tubig at hindi nga ako nagkamali may maliit na sapa sa kung saan mala-crystal ang tubig na naliliwanagan ng buwan. Hindi na ako nagdalawang-isip at kaagad kong sinawsaw ang paa ko para maglaro ng kaunti at mas natuwa pa ako sa lamig ng tubig nito. Gustuhin ko mang maligo at hindi ko ginawa dahil delikado at masyadong malamig at baka magkasakit lamang ako. Habang patuloy ako sa paglalaro ng tubig ay may nakita akong anino na paahon sa sapa..
"May tao dito? Eh madaling-araw na ha...baka naman encantado ito?" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad ako sa isang malaking bato para magtago.
Tuluyan nang lumabas ang pinanggagalingan ng anino at nalaman kong lalaki pala ito. Pero ang mas ikinagulat ko ay tanging underwear lamang suot nito. Hindi ba ito nilalamig? In all fairness ang ganda ng katawan niyo mula sa malapad niyang dibdib at sa malapandesal nitong abs...baka naman encantado talaga ito? Eh parang si machete ito . Ang gwapong encantado naman nito. Sa sobrang pagtitig ko sa lalaki ay hindi ko nalamayang nakaapak na pala ako sa malumot na bato kung kaya't nadulas ako sa kinatatayuan ko.
"sh*T!!!" daing ko nang tumama ang pwetan ko sa bato. Kung minamalas ka nga naman. Baka mamaya marinig ako ng encantado at lunurin ako dito sa sapa. Takteng lumot na ito,pahamak!
"May tao ba diyan?" nagtatanong na boses mula sa lalaking tinitignan ko kanina. Ito na nga ang sinasabi ko e.
"Sino yan?......may tao ba diyan?" paguulit na tanong nito nang hindi ako sumagot, pero ang mas nakakabahala ngayon y palapit na nang palapit ang boses nito. Gustuhin ko mang tumayo at tumakbo ay hindi ko magawa dahil sa sakit ng balakang ko.
"meow....meow." pagpapanggap kong pusa wishing na umalis na lang siya. Dahil baka mamaya anong isipin nun.Pusa ako umalis ka...choo..choo
"ahhh pusa lang naman pala" narinig kong sabi nito pero mas malapit na lang ang boses nito. at least hindi na siya magiisip ng kung anu-ano at mas nakahinga na ako ng maluwang.
"pusang malaki...." Dugtong nito habang nasa harap ko ngayon.