AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA NANG MAG GABI NG WALA na ang mga Clemenza sa mansion. Naghihintay na lang ako na makatulog na ang lahat ng tao sa mansion. Inutusan ko din si Bryant na ihack ang nga CCTV sa mansion, doon ko napagtanto na may siyam na CCTV camera ang buong loob ng mansion. Hindi pa kasama ang nasa labas, napa iling na lang ako at nag suot ako ng ibang damit na malayo sa mga sinusuot ko dito. Naka mask ako at sadyang pinalaki ko ang katawan ko para gumawa ng illusion na isa akong lalaki. Nag lagay lang ako ng mga damit sa loob ng damit ko. Nag double layer din ako ng damit just incase, matapos nito nakita ko na ala una na ng madaling araw. Ang alam ko uuwi sila mamaya pang umaga kaya maganda kumilos ganitong oras. “Bryant, gagawa ako ng illusion na manggagaling ako sa la

