AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA MATAPOS KO MABASA LAHAT NG RULES NA INUTOS sa akin na basahin. Kinuha ko ang folder na binigay sa akin ni Boss Flame. Pa bukas pa lang ako ng may pumasok sa silid ko sa bagong ayos naming Hideout, ginawan kami ng sariling kwarto dito upang may mga privacy kami. Bukas isasama ako ng tauhan ng bagong organization na pinasok ko sa kanilang Underground ulit upang makita ko ang ginagawa nila. “May problema tayo, may tawag ka galing kay Boss Kazimir, galit ito dahil nalaman niya na tauhan kana ni Flame..” wika nito at pumasok ito sa loob ko at inabot sa akin ang cellphone niya. Nag salubong naman ang kilay ko at tinanggap ko ang cellphone nito. “Kausapin mo muna..” utos nito. “Oo nga pala tama si Boss Flame, unti unti ng kumakalat ang information noong bitaw

