CHAPTER NINETEEN KRISTOFF POV Ilang minuto na ba ang lumipas? ilang oras na ba siyang walang malay na nakahiga sa aking kama? Kanina pa ako hindi mapakali habang pinagmamasdan ko ang kanyang buong kabuan na natatakpan lang ng malaking tshirt. She looked vulnerable and innocent.. halos mabasag ang mga ngipin ko sa sobrang pagtatagis noon dahil sa mga mapupulang marka sa kanyang dalawang kamay at paa.. marka ng lubid na mahigpit na ipinantali sa kanya ni Luke.. natitiyak kong bukas mangingitim iyon at magiging pasa, maliban doon wala na akong nakitang pinsala.. bukod sa trauma na alam kong mararanasan niya pagkagising niya.. Hindi ko maisip kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya kung sakaling nahuli ako.. kami.. sa takbo ng utak ng tarantadong lalaking iyon.. maaaring mapagsamantalahan si

