Napakabilis ng mga pangyayari.. para syang napako sa kanyang kinatatayuan wala nadin syang nagawa ng marinig ang matinis na tunog ng busina ngunit huli na dahil hindi na sya tuluyang nakagalaw pa.. napapikit sya ng maramdaman ang paglagapak ng kanyang katawan sa harap ng sasakyan .. naunang tumama ang kanyang tagiliran sunod ang kanyang tiyan hangang sa maramdaman nya ang tuluyang pagbagsak ng kanyang sarili sa matigas na semento ng kalsada. At naramdaman ang matinding sakit sa buong katawan "Kathryn!!!!" narinig nya ang sigaw ni daniel salamat at huminto ito... hangang sa maramdaman nya na umangat ang kanyang ulo at matanaw ang mukha nitong puno ng takot daniel.... mahal ko sana mapatawad mo ako... naramdaman nya ang palad nito na humahaplos sa mukha nya pati nadin ang mga luha nit

