"hi anak .. okay ka lang ba dyan ? grabe ang bigat bigat mo na talaga" hinimas nya ang kanyang malaking tiyan bago dahan dahang umupo sa papag sa labas ng kubo na kanyang tinitirhan magisa lang sya ngayun sa bahay dahil abala ang nanay beth at tatay arlo nya sa bukid dahil araw ng anihan ngayun.. gusto nya sanang sumama para makatulong kahit man lang sa pag pitas ng mga gulay na pwede nilang ibenta sa may palengke ngunit hindi na sya pinayagan ng tatay nya dahil halos kabuwanan na din nya, kulang kulang isang buwan at kalahati pa ang hihintayin para sa paglabas ang kanyang munting anghel kaya kailangan din nila ng pangastos alam nyang nagiipon ang mga magulang para sa panganganak nya idagdag pa ang natitirang pang matrikula nya na kailangan nilang bayaran bago man sya grumaduate mabu

