Bella’s Point of View Maaga pa at wala naman akong gagawin kaya pinuntahan ko muna ang shop ko. Naabutan ko si Yumi at Merjie na nagtatalo. “Bakit nandito ka?” tanong ni Yumi. “Miss you too, friend,” I replied to her. Binaba ko ang bag ko at kinuha ang uniform ko sa cabinet. “Hindi ba dapat nagpapahinga ka? Next day na ang coronation. Umaano ka dito?” tanong ni Merjie sa akin. Hindi ko sila pinansin at pumunta ako sa kitchen. Nagulat pati ang mga staff ko nang makita ako. Sinundan ako ni Yumi at Merjie. Tinignan ko ang inventory, kung ano ang kulang. Ano ang dapat na bilhin. Mukhang okay naman. Maayos naman lahat. Hinila ni Yumi at Merjie ang magkabila kong kamay at dinala ako sa maliit na office ko. “Anong problema?” tanong ni Merj. “Wala.” “Iyong totoo Bella? Para kang iiyak,” Yu

