Frank’s Point of View “What are you looking at?” Nagulat ako kay Diane nang bigla siyang sumulpot sa likuran ko. Nasa Vet on your baby Clinic kami ng araw na ‘yon. “Wala.” Mabilis kong tinago ang cellphone ko. “Napapadalas ka yata sa clinic ngayon,” puna nito sa akin. Umupo ako sa designated na table ko. Hindi ko siya pinansin. “Wala si Bella sa shop kung iyon ang binabalikan mo dito sa clinic.” Wala si Bella sa shop? Nasaan? Nakunot ang noo ko kay Diane. Patay malisya itong nag-ayos kunwari ng table niya na wala namang nakalagay sa ibabaw. “Ano?” “Anong ano?” balik na tanong nito. “What do you mean wala si Bella sa shop niya? Wala naman siyang practice for Miss Universe.” “Ay, stalker ang dating mo, friend. Siya ang tinitignan mo kanina sa sss, ano?” Hindi ako kumibo. Kinabukasan

