Frank’s Point of View “Señorita, hindi ba mayroong kakaiba kay Ser Frank?” naririnig ko si Tonyo pero hindi ko pinapansin. Nasa clinic ako nang dumating si Tonyo at sinimulang kausapin ang parrot. Tinuturuan nitong magsalita si Molly (‘yong parot) pero hindi sila magkaintindihan. “Kailan pa siya ganyan?” tanong naman ni Diane. Na-appreciate ko naman ang effort nilang magbulungan pero sadya yatang malakas talaga ang boses nila kaya parang normal na usapan ang naririnig ko. “Pagkatapus naten magkape noong isang araw,” sagot ni Tonyo. “Naririnig ko kayong dalawa,” I told them. “Malakas pala ang pandinig si Ser,” pahabol na bulong ni Tonyo kay Diane. “Why are you like that?” Diane asked me. “Like what? Am I not entitled of my own thoughts?” I asked back. “Ser, Señorita, nandito ako. Bak

