Bella’s Point of View Gagong reporter. Ang sarap salaksakin ng mic sa lalamunan. Nagmamadali akong umalis ng venue after ng special na interview na ito. Papunta na ako ng parking lot ng harangin ako ni Edward. “Sabi ko na nga ba at ikaw ang nakita ko. Candidate ka pala?” nakangiting tanong nito. Dahil mainit ang ulo ko dahil sa reporter hindi ko na na-tolerate si Edward. “Oo. Sige, excuse lang nagmamadali kasi ako.” Iiwasan ko sana siya nang hablutin nito ang braso ko. “Kinakausap pa kita.” “Bitawan mo ako. Magkakapasa ‘yan.” I refused to let him hear my fear. “Huwag mo akong tatalikuran kapag kausap kita. Pinagbigyan lang kita noong nasa Tagaytay tayo. Pero huwag kang bastos,” sabi nito. “I have the right to talk to whoever I want to talk. Please let go of my arm. You are not even w

