Bella’s Point of View
“Nandito si Frank kanina!” kinikilig na kwento ko kay Yumi at Merjie nang dumating sila sa shop.
“Hindi ba at takot sa sugar ‘yon?” tanong ni Yumi. “Mabuti at nagawi dito.”
“Yumi, takot pala sayo si Frank— sugar,” biro ni Merjie. Taragis naman kasing endearment ni Cloud kay Yumi— sugar. Pagkatamis-tamis.
“Ano ba, guys. Focus tayo, focus,” I tried to capture their attention. Tumingin silang dalawa sa akin na parang nahihibang ako.
“Kayong dalawa may lovelife na ah. Mag-focus tayo sa akin. Ako naman,” I told them.
“Ano bang mali sa akin?” I asked them. Umiral na naman ang insecurities ko.
“Wala,” sagot ni Yumi. “E bakit parang hindi man lang affected si Frank sa akin?”
“Kasi nga bakla siya,” sagot ni Merjie. Pinalo ko sa Merjie sa braso.
“Tigilan mo ‘yan, Bella. Papait ang hinahalo ko,” sita ni Merjie.
“Hindi siya bakla. Ano, uh, vain lang siya,” I said.
“Vain— having or showing an excessively high opinion of one's appearance, abilities, or worth,” Merjie commented.
“Alam ko ang meaning ng vain. Hindi mo na kailangang i-define.” Inirapan ko siya. Nagka-lovelife lang. Hmp. “Hindi vain ang tawag kay Frank.” Isa pa tong si Yumi.
“Hindi ba ang sabi ni Lise, paminta si Frank.”
“Hindi pa ‘yon proven,” nagmamatigas talaga ako sa kanila. Me against the world ang drama ko.
“Why don’t you prove it?” Yumi replied. “Iyon nga ang gagawin ko. Pero paano?” I asked her.
“Ako pa talaga ang tinanong mo?” sarcastic na sagot ni Yumi. Ay, oo nga pala. Manang nga pala ang isang ito.
“Ikaw, Merjie, anong ginawa mo kay Redgie bakit hibang sayo ‘yon?” Ngumiti nang ubod ng tamis si Merjie. “Charm lang.”
It’s my turn to look at her na para siyang hibang. “Wala ka no’n. Naalala mo ‘yong sinuntok mo?” Nagtawanan kami ni Yumi.
“E malay ko ba?!” defensive na sagot nito.
“Hindi ba ang sabi ni Lola, the best way to a man's heart is through his stomach. Bakit hindi mo siya gawan ng sarili niyang flavor ng cupcake? Iyong hindi matamis,” Yumi suggested.
“Ahh!” Niyakap ko si Yumi. “Ang galing-galing mo talaga, Yumi.”
“Oo na. Iyong boobs mo nasa mukha ko na.” Tinulak niya ako palayo. Ay, sorry naman.
“Iisip muna ako ng flavor na bagay sa kanya.” Mukha na siguro akong emoji na may puso. Nagsisimula ng mangarap ang puso ko nang magsalita si Merjie.
“Lagyan mo ng paminta,” sagot nito. Nagtawanan sila ni Yumi. Nag-high five pa. Tse. Hindi ako matitinag sa gusto kong ma-achieve.
Naka-schedule ako ng kung ano-anong anik-anik sa Serenity Spa today. “Bella, pasok ka,” tawag ni Cheska sa akin nang matanaw niya ako sa entrance. Nagulat ako, medyo maraming tao.
“Ready ka na?” tanong ni Cheska. Tumango ako. Out of nowhere lumabas ang asawa ni Cheska. Natatangkaran na ako sa sarili ko na 5’8”, pero hello nakatingala pa ako kay Sir Ace.
Nakakatakot siya. His face looks hard. Parang kapag nakasalubong mo siya sa eskenita, bigla kang babalik sa pinanggalingan mo. Mayroon siyang gano’ng aura. Pero, kapag tumingin siya kay Cheska, aww, ngumingiti siya. Nagiging soft ang mata niya. He kissed Cheska longer than I am comfortable with. Ehem, may mga tao po sa paligid.
“I’ll see you later,” sabi ni Sir Ace. Sinundan ng tingin ni Cheska ang asawa. “Ang ganda talaga ng pwet niya,” sabi nito.
But the happiness in her eyes— I want that kind of feeling, like you will always fall in love with the same person over, and over again. Iyong tipong, his imperfections make him perfect for you. Hindi ba, the sufferings of life will be bearable when there is love.