Frank’s Point of View “Hoy, Francisco Montalban, ano ‘yong nabalitaan kong nagpaiyak ka ng babae?” bungad ni Diane nang makita niya ako sa clinic. Literal na walang secret sa Country Club ang hindi alam ng mga babaeng ito. “Isigaw mo pa.” Dumating na galing Negros si Diane. Nakataas ang isang kilay nito at nakapamewang sa pintuan. Hindi tuloy ako makatakas. “Huwag ka ng magtangkang tumakas. Kilala kita,” banta pa ni Diane. “Hindi ko kasalanan ‘yon. In love raw sa akin si ate girl. Umiyak noong sinabi kong bakla ako.” Napa-oh si Diane. “Bakla ka ba talaga?” tanong ni Diane. “Tangina naman. Buhat sa London tanong mo na ‘yan e. Hindi mo pa ba nako-confirm?” “Girl, given na hindi ka pa talaga nagka-crush ever sa babae doesn’t mean na bading ka. Iyon nga ang sinasabi ko sayo,” Diane is s

