Simula

1968 Words
Noong nagsabog ng kamalasan sa pag-ibig ang langit, siguro nag-floating pa si Cyra. Pang-ilan na ba ito sa mga lalakeng dumating sa buhay niya na akala niya ay magiging huli na? Na-manifest niya ba ang kamalasan ng mga karakter sa mga nobelang isinusulat niya kaya ganito ang love life niya? O baka naman dahil hindi niya ipinasa ang chain message noon kaya wala siyang naging matinong nobyo? Cyra couldn't control her tears while her cheating boyfriend is on his knees, covered with only a freaking towel. Mahigpit na hawak ni Arthur ang kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung para hindi siya umalis o nang mapigilan siya nito mula sa pagdampot ng maaaring ibato sa babae nito. "Cyra . . ." he called, his bloodshot eyes were staring at her. Gusto niya tuloy itong kalmutin. Ito pa ang may ganang umiyak ngayon? "Paano mo nagawa sa'kin 'to, Arthur?" Dalawang kamay na ngayon ang ipinanghawak nito sa kanya. "N—Nasasakal na ako, eh. Siya ang nagbigay sa'kin ng pagkakataong huminga ulit." "Huminga?" Inis na natawa si Cyra habang pumapatak ang kanyang luha. "Tangina ka, Arthur kung 'yan lang ang dahilan mo eh 'di sana sinabi mo sa'kin nang nahambalos kita ng oxygen tank o kaya ay isinabit kita sa pakpak ng eroplano nang nalanghap mo lahat ng hangin sa kalangitan!" Roxie, her best friend and the one who kept on telling her to break up with Arthur, snorted after hearing her. Tumalikod ito nang hindi niya makita pa ang hindi nito mapigil na pagtawa. Oh, she knows Roxie wouldn't empathize with her. Baka pagtawanan pa nga siya nito oras na umatungal siya dahil hindi naman ito ang unang beses na namroblema siya kay Arthur. Binawi ni Cyra ang kanyang kamay saka niya idinuro ang babae ni Arthur. Halos hindi na ito makagalaw sa kama. "Ikaw na letse ka!" Her eyes narrowed at the girl while she wipes her tears. Kilala niya ito. Katrabaho ito ni Arthur sa call center na pinapasukan at alam niyang alam nito na may nobya na ang damuho. "Ang laki ng sinasahod mo sa call center pero wala ka man lang maibili ng feminine wash para mabawasan 'yang kakatihan mo!" Tuluyan nang bumungisngis si Roxie kaya kinailangan na nitong lumayo sa kanya. Nakakainis naman, eh! Nawawala ang momentum niya! Imbes na manlaban ay ang babae pa ang humikbi na parang inapi. Hindi tuloy alam ni Cyra kung ano ang mararamdaman. Tangina talaga. Nasayang ang make up niya para rito tapos hindi man lamang lalaban ang higad na ito? Pinagmasdan niya itong mabuti. Mayamaya ay tuluyan siyang natawa nang ibalik niya ang kanyang tingin kay Arthur. "Anong lamang nito sa'kin, Arthur? Lakas umungol o husay sumubo? May nasasakal ka pang nalalaman halata namang ibang leeg mo ang sinasakal ng babaeng 'to!" Cyra heard Rox laughed a bit louder this time. Parang naluha pa nga dahil nagpunas na ng sulok ng mga mata. Arthur didn't answer. Yumuko lang ang lintik na parang nahihiya dahil siguro ay natumbok niya ang tunay na dahilan. Pero iyong pananahimik ni Arthur, iyon ang mas nakasakit kay Cyra. Silence means yes, ika nga. Her eyes felt hot while she's staring at him. "S—s*x. s*x 'di ba?" He breathed out a heavy breath. "Magbibihis lang ako. Sa bahay tayo mag-usap," sagot nito. Humarap si Roxie sa kanya. Ang mga mata ay nagbabanta. "Huwag kang sasama diyan! Bobo ka pa naman!" Cyra felt torn. Baka kung hindi siya sumama ay hindi niya na makuha ang mga gamit niya sa bahay nina Arthur. Hindi pwede. Her stuff might not be that valuable to others but everything important to her was there. Humugot siya ng malalim na hininga. "Kukunin ko lang ang mga gamit ko. Makikipaghiwalay na ko." Roxie grunted while rolling her eyes. "Narinig ko na 'yan, Cyra. Diyos ko! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa'yo." Napayuko na lamang siya dala ng kahihiyan. Hindi niya naman masisisi si Roxie kung hindi na ito naniniwalang kaya na nga niyang hiwalayan si Arthur. Hindi naman kasi ito ang unang beses na nalaman niyang may babae ito. Ngayon lamang niya ito nahuli sa akto. Roxie had no choice but to let her come with Arthur. Walang tigil ang buhos ng mga luha niya habang nakaangkas sa motorsiklo ng nobyo. Mabuti na lang at nakasuot siya ng helmet kun'di baka pinagtinginan siya ng mga taong nakakasalubong nila sa daan. Pagkarating sa tahanan ng mga ito ay pilit siyang niyakap ni Arthur. She tried to push him away and then looked him in the eye despite her tears trailing down her cheeks. "Bakit, ha? Bakit ba paulit-ulit mo kong ginagago?" Naging garalgal na ang boses niya. Bumuntonghininga ito. "Lalake ako, Cyra. May pangangailangan ako at . . . hindi mo maibigay dahil palagi ka na lang babad sa laptop mo. Kapag nilalambing ka, sasabihin mo wala kang gana dahil ayaw mong masira ang imagination mo. Ang tagal-tagal na nating nagli-live in pero mabibilang lang sa daliri kung ilang beses mo kong napagbigyan." Natawa siya dala ng galit. Maya-maya ay nasundan ang tawang iyon ng sunod-sunod na hikbi. "Bakit ba hindi mo maintindihan na pangarap ko 'to, Arthur?! Kung mahal mo talaga ako, susuportahan mo ko gaya ng pagsuporta ko sa'yo sa lahat ng plano mo sa buhay! Pero anong ginawa mo? Nambabae ka!" Sandaling pumikit si Arthur kasabay ng paghugot nito ng hininga. "Look." He opened his eyes and held her by her arms. "Magbabago na ko. Pinapangako ko sa'yo na hinding-hindi na mauulit 'to . . . pero ipangako mo rin sa'kin na maghahanap ka na ng totoong trabaho dahil sa totoo lang, Cyra hirap na hirap na rin ako sa gastusin. Kahit gusto kitang suportahan diyan sa ginagawa mo, hindi tayo kayang buhayin niyang pagsusulat mo." "Kasi wala kang tiwala na kaya ko!" She sobbed as she smacked his chest. "Ikaw dapat ang unang naniniwala sa'kin pero ano 'tong ginagawa mo?! Nangangako kang hindi ka na mambababae ulit pero kailangan kong bitiwan ang pangarap ko para lang hindi mo na ulitin?!" Arthur sighed. "Fine. Ayaw mo sa kundisyon ko? Ito na lang." Itinuro nito ang pinto. "Gigising ka na diyan sa kahibangan mong may mararating ka diyan sa ginagawa mo? O ititigil na natin 'to at aalis ka na rito?" Nanginig ang ibabang labi ni Cyra. "I can't believe you. Alam na alam mong wala akong ibang mapupuntahan!" "Eh, 'yon na nga, eh. Wala nga at wala ka ring magulang o kamag-anak na mahihingan mo ng tulong pero ayaw mo pa ring bitiwan 'yang lintik na pangarap na 'yan. Ang dami nang manunulat sa mundo, Cyra. What makes you think you'd make fortune out of those trash you've been obsessing about?" Nasampal niya na ito nang tuluyan. "Huwag na huwag mong matatawag na basura ang mga pinaghirapan ko!" Arthur heaved a sigh. "Ang drama-drama mo. Nakakasawa. Ganyan ang ugali mo at takbo ng utak mo tapos nagtataka ka kung bakit nagawa kong mambabae? Kasalanan mo rin naman!" "I just asked you to believe in me! To support me! Kahit paano naman may kinikita ako sa ginagawa ko pero wala lang 'yon lahat sa'yo porke't hindi kasing laki ng sinasahod mo sa call center! Tapos ngayon isisisi mo sa akin kung bakit hindi mo mapanatiling nakapasok sa brief mo 'yang letseng pagkalalake mo?!" Umiling-iling si Arthur. Tila nauubusan na ng pasensya. "Nakakarindi na, Cyra. Magdesisyon ka na dahil ayoko na ring makipagtalo." She scoffed. "So that's your only solution? Ang papiliin ako dahil hindi mo talaga kayang magtino at suportahan ako sa pangarap ko?" "Pasensya na pero kung hindi mo talaga 'yan titigilan, mabuti pa nga siguro na maghiwalay na lang tayo." Tuluyang nabasag ang puso ni Cyra. Her tears fell heavier as she stormed inside their room to collect her stuff. Pilit niyang isiniksik sa lumang maleta lahat ng damit niya saka niya kinuha ang laptop niya't ang wallet na naiwan niya kanina. Limandaan na lang ang laman no'n pero naroroon ang pinakaimportante niyang gamit kaya hindi niya iyon pupwedeng iwan. Somehow, a part of her still wished that Arthur would stop her. Ganoon siguro siya katanga. Or maybe it wasn't just love that's making her want Arthur to prevent her to leave. Maybe there's a feeling of fear, of uncertainty. Ilang taon silang nagsama. She somehow became dependent on him. And now that she has to be on her own again, a part of her thinks that . . . she will not survive without his help. Napahikbi na lamang siya nang tuluyan siyang pinagsarhan ni Arthur ng pinto. Pinagtitinginan na siya ng mga kapitbahay nila kaya kahit naroon ang takot niya ay pilit niyang kinaladkad ang kanyang maleta hanggang sa kanto. Cyra then called Roxie, asking for help. Nag-book naman ito ng grab para sa kanya't pinahatid siya sa pinagtatrabahuhan nitong hotel. "Thank you, ah?" umiiyak niyang sabi nang makapasok sila sa isa sa mga kwarto sa hotel. Roxie used one of her perks as an employee in Hotel Khallisa just so Cyra will have a place to stay at for a couple days. Kung wala ito ay baka hindi na talaga niya alam ang gagawin niya. Pinaupo siya ni Roxie sa kama. "Sige lang. Iiyak mo lang 'yan, pero tandaan mo. Proud ako sa'yo dahil sa wakas nagawa mo na ring iwan 'yong gagong 'yon." She sobbed. "Bakit ba kasi ang tanga-tanga natin sa pag-ibig?" "Gaga? Ikaw lang hoy! Hindi ka kasi marunong makinig kahit nanliligaw pa lang 'yang si Arthur sinabi ko na sa'yong hindi maganda ang vibes ko diyan." "Oo nga pala." Suminghot siya. "Wala, eh. Hindi ko kasi alam kung ano ba talaga ang tunay na pagmamahal. Ang ironic, 'no? Nagsusulat ako ng mga nobela tungkol sa pag-ibig pero ang bobo ko naman talaga do'n pagdating sa totoong buhay?" Hinagod ni Roxie ang braso niya. "Huwag mong isipin 'yan. Nagmahal ka lang." Humikbi siyang muli. "Rox, hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako ngayon na baka mapilitan na kong talikuran 'tong pangarap ko." Her best friend sighed. Sandali rin itong nag-isip kaya natahimik. Maya-maya ay umayos ito ng upo saka nito hinawakan ang kanyang kamay. "Hindi ba hanggang next month pa naman 'yong call for submission do'n sa publishing house na sinasabi mo?" Tumangu-tango siya. "Oo, pero hanggang ngayon wala pa akong matinong output." "Nanalo ako sa anniversary event ng one month free stay sa sister company ng Hotel Khallisa. 'Yong Raja Amor Suites sa Monte Costa. Baka sakaling kung makapag-unwind ka at malayo kay Arthur, gumana na 'yang kokote mo at matapos mo ang manuscript mo. Pagkabalik mo rito, mag-share muna tayo sa unit ko. Pwede kang kumuha ng temporary work habang hinihintay mo ang feedback sa manuscript mo." Cyra swallowed the lump in her throat. "At kung hindi ako matanggap?" Roxie sighed. "Then you're gonna try again." Ngumiti ito. "You're gonna prove Arthur and all of the people who doubted you that you're gonna make it." Naluhang muli si Cyra. "T-Thank you, Rox ha? H-Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka. Promise, tutulong ako sa gastusin. May mga commissions naman ako sa mga online platforms. Hindi ako magiging pabigat." "Alam ko. Ano ka ba? Ilang taon din tayong magka-dorm noon?" Piniga nito ang palad niya. "Ano? Go ka na ba para ma-inform ko na ang manager ko na kukunin ko na 'yong premyo ko sa event namin?" Nahihiya siyang ngumiti kay Roxie. "S-Sige . . ." "Okay, dito ka muna. Babalik ako mamaya." Tumayo na ito at nagsimulang maglakad ngunit nang tila mayroong naalala ay muli siyang nilingon. "Oh, huwag ka na namang magpapauto sa lalake kapag nandoon ka, ha? Ang daming loko-loko do'n!" She smiled at Roxie then nodded. "Promise." Nag-cross fingers pa siya. "Hinding-hindi ako maghahanap ng bagong sakit ng ulo sa lugar na 'yon . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD