Carmela's POV "LOOK! Kamukhang kamukha mo siya Marco!" natutuwang sabi ni Mommy habang karga karga ang anak ko. Napangiti nalang ako nang makita ko ang nakasimangot at nakanguso na tila hindi nasisiyahan sa ginawang pag buhat sa kanya. "Syempre Mommy saan pa ba iyan mag mamana ha?" mayabang na sagot ni Marco rito. Dalawang araw matapos naming makauwi ay umuwi na rin ito hindi nito kasama si Mark dahil may importante raw itong gagawin. Sa dalawang araw naming pananatili sa bahay ni Marco ay purong pag papahinga lang ang aming ginawa. Inantay namin ang pag uwi nang Nanay ni Marco bago mamasyal dahil meron raw itong balak para sa aming bakasyon. "How's your flying hija?" nakangiting baling nito sa akin. I smiled then, sipped to my juice. Ngunit bago ko pa iyon masagot ay lumapit sa aki

