"ANONG SINASABI MO?" nagugulat na pag tatanong ko rito. Paano nito naaatim na sabihin ang bagay na iyon? Hindi pa ba sapat na sinabi ko ang totoo ngunit hindi pa rin pala nito pinapaniwalaan? "Sean.." pagbanggit nito sa pangalan nang aking anak. "Anong kinalaman nang anak natin dito?" naguguluhang tanong ko. Ngumuso ito saka upang pigilan ang pagngiti sa akin. Mas lalong nangunot ang noo ko sa pinapakita nitong reaksyon. "Kamukha niya si Marco!" pag hihimutok nito. Nag taas ako nang kilay sa sinabi nito. "Oh ano ngayon!?" galit na tanong ko. Naiinis ako dahil sa ginagawa nitong rason. "E di anak niya ang mga anak mo!" sambit nito na parang naiinis sa akin. Aba't! "Sige.." pag sang ayon ko rito. Natigilan ito saka nanlaki ang mata sa aking sinabi. Ayoko na! Nakakainis na ang mg

