"CARMELA!" "Shane.." Iyon ang tawag na mga narinig ko nang lumabas ako sa kusina upang harapin sila. Hindi ko pinaunlakan nang miski sulyap ang mga taong nasa akin ang tingin. Hinanap agad nang tingin ko ang mga anak ko kung nasaan ang mga ito. Lumapit ako at humalik sa noo nang dalawa. "Go to your room my sunshines" mahinang bulong ko sa mga ito nang yakapin ko. Ramdam ko ang pag tango nang mga ito bago humiwalay. Tinanaw ko ang dalawang mag kahawak ang kamay habang nag lalakad patungo sa taas. Hindi ko inalis ang tingin ko sa dalawa hanggang sa nawala ang mga ito. Sa gilid nang aking mata ay kita ko ang tingin nila sa akin. Tila inaantay nila ang aking sasabihin dahil nawala na ang aking mga anak sa aming harapan. But i won't give them satisfaction that they want. Manigas sila. "

