Hindi ko talaga alam kung matutuwa pa ba ako bilang sekretarya ni Austine. Hindi ko naman akalain na sa mismong Kompanya niya makilala ko ang mga babaeng nakarelasyon niya noon. And that Sheryl Marquez is one of them. She looked formal while in the meeting pero noong nakipag-usap na siya kay Austine at magyaya ng kape para pag-usapan daw ang nakaraan nila. Doon ko lang na pagtanto na isa rin siya sa mga babaeng naghahabol kay Austine. Ericka, Roxan and that Sheryl. Ex na sila pero bakit kailangan pa nilang maghabol sa lalaking wala ng gusto sa kanila? Ano ba talaga ang pakiramdam kapag minahal ni Austine? Bakit kahit masakit itong magsalita sa kanila patuloy pa rin silang nagmakaawa? Binababa nila ang sarili para lang sa lalaking wala ng interesadong makipagbalikan. Sino ba ang mag-ak

