Ganoon ang mga naging eksena sa ilang mga araw sa hapag kainan. Palaging hang over si Austine tuwing umaga pero sumasabay pa rin siya sa breakfast nila kahit nahihilo pa ito. Palagi naman siyang pinagsasabihan ng kanyang magulang pero palagi naman itong tumatango. Pinapalabas lang sa kabilang tenga. At iinom na naman kinabuksan. Palagi rin siyang late kung umuwi. Minsan naririnig ko siyang matagal dumating dahil maingay ang mga yapak nito sa hallway. Palagi siyang pinagsasabihan ni Ma'am Grace kahit hating gabi na tumigil na sa pag-iinom. Hindi ko alam kung dahil ba sa kanyang trabaho o dahil sa kanyang paglalasing kaya siya natagalan sa pag-uwi. Sunod-sunod kasi ang pag-uwi nito nang madaling araw. For the past week that we've been separated our rooms. Wala na kaming pag-uusap. Akala k

