"The first time you fall in love, it changes you forever and no matter how hard you try, that feeling just never goes away.- Nicholas Sparks" ☘️ Nasa balcony ako ng room namin, natatanaw ko kasi ang kabilang building kung saan nandoon ang room ni Heather. Inaabangan ko siyang lumabas, napangisi ako. Nagiging favorite spot ko na ang balcony para lang masilayan siya. Next year ay magka-College na ako. Ga-graduate na ako sa School na 'to at ibig sabihin no'n hindi ko na masisilayan si Heather araw-araw. Pero siyempre hindi ako nagpapahalata sa mga friends ko, baka tuksuhin na naman ako ng mga ito. Bumilis ang pintig ng puso ko nang makita kong naglalakad na si Heather sa pathway patungo sa building namin kasama ang mga kaibigan nito, kumaripas ako ng baba sa room ko, nasa 2nd floor kas

