Curt's POV Wala akong inalala sa mga panahon na iyon kundi ang mukha ng babae na nakita ko sa park. Ang ngiti lang niya ang nagpapagaan ng loob ko sa tuwing maraming problema. It was her smile that made me at ease all the time. Hindi man sinasadya pero hindi ko mapigilan ang utak ko. Parang kusa na lang sumasagi sa isipan ko ang mga ngiti niya. Hindi ko ma-explain. Siguro nga nababaliw na ako... hindi ko alam... Araw iyon na dapat pupuntahan ko ang isa sa mga babae na ni-recommend sa akin ng pinsan ko. Kahit nakakainis minsan ang pinsan kong iyon ay napapakinabangan ko naman siya sa paghanap ng mga babae na pwede kong maikama. Aalis na sana ako ng condo unit ko nang biglang tumawag si Cassy sa cellphone ko. Saglit akong napatigil bago sinagot ang tawag. "We need to talk, Kuya," iyon a

