Celine's POV
Kinabukasan, tinanghali na ako ng gising. Agad kong tiningnan ang hitsura ko sa maliit na salamin na nakadikit sa kahoy na pader sa kwarto ko. Nakita kong hindi naman gaanong namugto ang mga mata ko.
Saglit lang ako umiyak kagabi dahil sa nangyari kay Tiya Bechay. Hanggang sa panahon kasi na ito na iniba ko na ang ilang naging desisyon ko noon ay gano'n pa rin ang trato sa akin ni Tiya. Hindi pa rin siya lumalambot. Pero naiintindihan ko naman siya. Walang makakapagpapawi ng sakit na dulot ng pag-ibig. Hindi na kasi maganda ang relasyon nila ni Tiyo.
Looking at it now, I somehow understood what my aunt is feeling. We're both masochists.
Naging masokista kami dahil kahit alam naming toxic na ang isang relasyon ay patuloy pa rin kaming umaasa na magiging maayos din ang lahat. Umaasa kami na sa paglipas ng araw, mare-realize din ng mga mahal namin na nasasaktan na kami pero patuloy pa rin na nagmamahal.
This kind of love is so pitiful. Unworthy people should be avoided. But because of love, people intend to sacrifice their happiness just to stay in this relationship that they used to be happy with. It's unrequited and unfair but masochists don't think it is. They think it's only right to stay, to give thousands of second chances.
Kung sa pagiging malungkot ay masaya na si Tiya Bechay sa buhay-pag-ibig niya, hindi ko na kayang pangatawanan ang pwesto na iyon.
I will no longer be that same old Celine na handang maging masokista para lang sa isang walang puso na asawa. I'm no longer that same Celine na nagpauto dahil lang sa karangyaan.
Matapos kong asikasuhin ang mga gawaing-bahay ay naligo na ako. Mamaya pa kasing ala-una ang shift ko sa store kaya wala akong ibang gagawin kundi ang magliwaliw. Noon pa man din ay nasanay na akong mag-isa sa pagsight-seeing. It's quite peaceful that way.
Ang unang pinuntahan ko ay ang park malapit sa convenience store. Isa ito sa naging tambayan ko noon simula noong lumipat ako kila Tiya Bechay.
Madalas ito noong matao noong nasa High School pa lang ako. Ngayon na malalaki na kami ng mga naging kaklase ko ay halos hindi na ito tinatao. Panay luwas na kasi sa siyudad ang karamihan sa kanila. Iilan na lang kaming natira rito.
Sa loob ay makikita ang iba't ibang playground structure tulad ng slide, seesaw, monkey bar at duyan. Pinili kong maupo sa duyan at dahan-dahang pinaandar iyon. Medyo tumutunog na ito sa tuwing dinuduyan. Kinakalawang na kasi ang turnilyo nito.
Huminga ako nang malalim saka tumingala sa langit. Alas onse pa lang pero tila makulimlim na. Siguro ay paulan na.
"Ano kayang nangyari? Pa'no ako napunta rito sa panahon na 'to?" Napabuntonghininga na lang ako sa mga naiisip ko.
Wala talaga akong maalala na ginawa para mapunta sa panahon na 'to. I don't even think I am capable of believing things such as this. Napakaimposible kasi.
I tried many times to slap myself out of this trance pero walang nangyayari. I'm literally stuck in 2017. And if I may tell a single living soul na galing ako sa ibang panahon, they would probably laugh at me for making that kind of joke.
Sino ba naman kasi ang maniniwala sa karanasan ko? Time travel? Ni isa sa mga scientist na kilala sa buong mundo ay hindi pa napapatunayan na pwedeng makapag-travel ang isang tao sa ibang panahon. Panay theory lang ang alam nila. Walang solid proof.
And if given na totoo na nga ang time travel, how could I even explain how I got here? Sasabihin ko ba na dahil sa paghiling ko sa Pink Super Wolf Moon ay nakapag-time travel ako sa year 2017? That's it? Walang calculations or theory of matter na dapat kong patunayan? Sasabihin ko bang nakita ko lang na nag-rewind ang lahat at maniniwala na sila?
How can they believe me? Karamihan sa mga tao ay humihiling na sana bumalik ang mga buhay nila sa dati at iatras pabalik para lang maitama ang mga naging desisyon nila sa buhay. But they couldn't afford to turn back the time. They believe it to be just existing in fairytale books. People all know it's impossible to go back in time.
So, if a world-forsaken human like me should get a special privilege to have a trip back to year 2017, people will definitely hate me for having it. So, it's a bad idea to tell a tale. Ikapapahamak ko iyon.
Who knows? Baka isang umaga ay magising na lang ako at ma-realize na nananaginip nga lang ako all along.
If only I could find an answer, siguradong hindi ganito ang mararamdaman ko na parang mababaliw na sa kaiisip.
Wala kasing ibang ginawa ang panahon na ito kundi ang maging sentimental sa akin. Halo-halo ang naranasan ko rito. Pinaghalong kapaguran at kasiyahan. Pero ang kasiyahan na iyon sa paglipas ng panahon ay ang naging dahilan para balikan kong muli ang masalimuot na taong ito.
Wishing recklessly on a Super Moon is what made me stuck in my own misery. Hiniling ko na ibalik ang lahat sa dati no'ng hindi ko pa kilala si Curt. But this reckless wish of mine made me replay my whole life at the time where I should meet him.
If this was the case, then, what's my purpose here? Parang ang gulo kasi.
Ibig sabihin ba no'n ay dapat iwasan ko sa panahon na 'to ang magkamabutihan kami ni Curt? How can I do that if sa umpisa pa lang ng journey ko rito ay naka-first base na siya?
"Ah, bwisit! Kung sino man ang naglagay sa 'kin dito, sana tubuan siya ng maraming tagyawat sa mukha! Ang gulo-gulo!" sigaw ko sabay pukpok sa ulo.
"Di ba 'yan naman ang wish mo?" Isang boses ng lalaki ang naulinigan ko.
"Ahhh!" Napasigaw ako at nabuwal mula sa duyan dahil sa gulat nang may magsalita sa tabi ko.
Nang iangat ko ang aking tingin ay nakita ko ang isang lalaki na maputi. Ang kalahati ng mukha niya ay may silver na maskara at may nakaguhit doon na crescent moon. Ang buhok niya ay kulay krema at medyo wavy. Nakasuot siya ng black long sleeves at black pants. Normal body built. May hitsura rin siya. May mapupulang labi at magandang ngiti.
"S-sino ka? Bakit ka bigla-biglang sumusulpot sa tabi ko?" kinakabahang tanong ko.
"Kanina mo pa nga ako kinakausap. Sinagot lang kita."
Huh?
Napatayo ako at hinarap siya. "Nakahithit ka yata, manong. Wala akong kinakausap dito. Can't you see na mag-isa lang ako?"
Napapalatak naman siya at napahalukipkip. "Humiling ka sa akin na ibalik ang dati mong buhay. Hindi mo ba naaalala?"
Nanlaki ang mga mata ko pagkarinig ko sa sinabi niya.
Teka. Pa'no niya nalaman 'yon? Sino ba 'tong nakamaskara na 'to?
"Sino ka? Bakit mo alam 'yon? Stalker ka, 'no? Magsalita ka!"
"Hay. Ang hina mo naman pumik-ap! Bueno, magpapakilala na ako," komento niya habang nagkakamot ng ulo. "Ako si Bulan. Isa akong diyos. Narinig ko ang hiling mo na gusto mo nang ibalik kita sa dati mong buhay. Ang sagot sa iyong kahilingan ay nandito na," paliwanag niya habang ikinukumpas ang kamay.
Agad akong natawa sa sinabi ng lalaki na nagpakilalang "Bulan". Hawak-hawak ko na ang tiyan ko sa kakatawa. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na joke lang ang lahat ng ito.
"Ikaw? Diyos?" I mocked him.
Ayoko. Ayokong malaman na totoo ang lahat ng ito. Baka mabaliw ako. Hindi ko alam na magkakatotoo pala ang hiniling ko sa harap ng buwan. Ang simpleng galit at hinanakit ko sa aking asawa ay nauwi sa reckless wish ko sa harap ng buwan...
Mugto man ang mga mata sa kaiiyak ay napatanaw pa rin ako sa bintana. Agad kong nakita ang maliwanag na Pink Wolf Moon, isa sa super moon na nagpakita sa taong ito.
Mapait akong napangiti at napapikit saglit. Naging hobby ko ang paghiling sa buwan simula noong maliit pa ako. Ang nagturo sa akin no'n ay si Mama noong nabubuhay pa siya. Kapag malungkot daw ako, huwag daw akong mahihiyang humiling sa harap ng buwan. Tiyak, lahat ng kahilingan ko ay tutuparin niya gaano man katagal nito iyong ibigay.
Natatandaan kong humiling ako sa harap ng last quarter moon na ibalik ang mga magulang ko para hindi ako malungkot. Pero hindi iyon tinupad ng buwan. Ni isa sa mga hiniling ko ay hindi niya tinupad.
Kaya simula noon, hindi ko na sinubukan pang humiling muli. Hanggang sa dumating na ako sa puntong ito na gusto ko na lang bumalik ang lahat.
Ang kagustuhan kong alisin na nang tuluyan si Curt sa buhay ko ang nagtulak sa akin na humiling muli sa harap ng buwan.
"Sana pwedeng ibalik 'yung dati. Sana hindi ko na lang nakilala si Curt. Sana bumalik na lang ang dating buhay ko..."
Nakanganga akong nakatingin kay Bulan habang naaalala ang mga nangyari bago ako napunta sa year 2017.
Tama. Humiling ako sa harap ng buwan na ibalik ako sa dati kong buhay. Hiniling ko ang parte na hindi ko pa kilala si Curt.
"T-talaga bang ikaw ang hiningan ko ng wish?" mahina kong tanong kay Bulan. Half-amazed pa rin ako. Pakiramdam ko ay papanawan ako ng ulirat sa mga nadiskubre ko.
"Bingo! Buti naalala mo. Ako 'yung buwan na tinanaw mo sa bintana ng kwarto mo no'n. Nagkataon lang na trip kong mag-super moon para may makapansin sa akin. Matagal na kayang inaamag ang kapangyarihan ko. Buti na lang humiling ka," paliwanag niya habang natatawa.
Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Inaamag?
"Ibalik mo 'ko sa 2020! Hindi pwede 'to. Ni hindi mo man lang ako tinanong kung gusto ko talagang mapunta rito. Pinangunahan mo ako." Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay niya. "Ibalik mo 'ko. Ibalik mo 'ko, please! Hindi 'to ang gusto ko."
Nag-pout siya at nilagay ang isang kamay niya sa kanyang baba. "Nope."
Napanganga naman ako sa sinagot niya. "Bakit ayaw mo? Akala ko ba tinutupad mo ang kahilingan ng sinuman? Bakit mo 'ko tinatanggihan?"
"Alam mo kasi, hija..." panimula nito habang dahan-dahang tinanggal ang pagkakakapit ko sa braso niya. "Hindi gano'n kadali ang pinapagawa mo."
"Bakit?"
"Hindi nakikisama ang kapangyarihan ko ngayon. Palyado na nga, 'di ba? Swerte mo pa nga at napagbigyan ka ng kapangyarihan ko na ibalik sa taon na 'to, e."
Napamaang ako sa huli niyang sinabi. "Swerte? Anong swerte sa ginawa mo? Nilagay mo ako sa taon na ayaw ko. Bakit mo ba ako pinahihirapan? Ibalik mo na ako sabi!"
"Ops! Saglit lang, Celine. Hindi ako naparito para ibalik ka sa kasalukuyan. Hindi 'yon gano'n kadali. May dahilan kung bakit ka nilagay ng kapangyarihan ko rito. At iyon ang dapat mong tuklasin. Gets?"
"What?! Am I a joke to you at paghahanapin mo pa ako ng dahilan para makabalik? Ano 'to, some detective game show to you? Look. I didn't ask for this, Mr. Bulan or whoever you are. I'm brokenhearted, that's why I've said those words. But I didn't mean it."
Napabuntonghininga si Bulan at tiningnan ako sa mata. "Gustuhin ko man na ibalik ka sa kasalukuyan pero hindi pwede. Kailangan mong tuklasin ang isang bagay dito sa taon na ito bago ito matapos. Dahil kung hindi, hihintayin mo pa na lumaon ang taon para makarating ka sa kasalukuyan. May dapat kang gampanan bago ko ibigay sa'yo ang kahilingan mo." After that, he snapped his finger and disappeared before my eyes.
"Wait, Bulan!" Inikot ko ang buong paligid pero hindi ko na siya mahanap.
Napaupo ulit ako sa lupa at napahikbi sa kawalan ng pag-asa.
Paano na? Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa Bulan na 'yon.
He seemed strange at all angles. Isa pa, how could that be possible? Paano niya ako nailagay sa sitwasyon na 'to? Napakaimposible!
Hindi ko rin alam kung saan magsisimula para hanapin ang rason kung bakit ako napunta rito. Wala ni isang clue para sa misyon na 'yun.
If it's not about my life without Curt, then what is it that he wanted me to find?
May iba pa ba akong unfinished business sa year 2017 na hindi ko alam?